Gasoline boy na nakapagpatayo ng kanyang dream house, hinangaan ng netizens

Gasoline boy na nakapagpatayo ng kanyang dream house, hinangaan ng netizens

- Isang gasoline boy ang ngayon ay hinahangaan ng karamihan matapos ibahagi ang litrato ng kanyang pinapagawang bahay

- Hindi pa man natatapos ay marami ang humanga sa 26 anyos na gasoline boy dahil sa kanyang determinasyon

- Umabot sa P250,000 ang kanyang nagastos sa ipinapagawang dream house niya sa Pampanga

- Umani ng samu't-saring reaksiyon ang kwento na ito ng isang simpleng manggagawa na unti-unting tinutupad ang kanyang pangarap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang humanga sa sipag, tiyaga at determinasyon ng isang gasoline boy na nagngangalang Igue G. Varra. Sa isang Facebook post na ibinahagi ng FB page na vantage, makikita ang proseso ng pagpapagawa ng dream house ng 26 anyos na si Igue.

Ayon sa kanya, isa lamang siyang gasoline boy sa Maynila. Matagal umano bago matapos ang kanyang pinapagawang bahay dahil limitado ang kanyang budget.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, dahil na rin sa tulong ng kanyang mga kakilala, unti-unting nabubuo ang kanyang pinapatayong dream house sa Pampanga.

Umani ng ng paghanga ang post na ito ni Igue:

Syempre. Kahit magbabsura kaya yan basta may sipag at tyaga
Nakakabilib naman! Sana all. Kapag talaga marunong magtipid at nakatuon ang atensiyon sa mga bagay na nais makamit, posible kahit mahirap
Konti na lang sir! Matatapos na rin ang iyong dream house. Iba din talaga ang feeling kapag pinagpaguran at pinaghirapan mo.
Ito ang dapat tularan. Hindi yung inuuna ang luho at bisyo.

Ang pagkakaroon ng sariling bahay ay isa sa pangarap ng maraming tao. Gayunpaman, dahil sa may kamahalan ang presyo ng lupa at materyales, hindi lahat ay nagkakaroon ng pagkakataon na magkaroon ng sariling bahay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here, we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease. Be safe and stay informed! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel