2 volunteer na nangumisyon umano sa mga nakakuha ng SAP, timbog

2 volunteer na nangumisyon umano sa mga nakakuha ng SAP, timbog

- Timbog ang dalawang volunteer ng baranggay matapos umano nilang mangumisyon sa mga residente

- Limang daang piso umano ang kinukumisyon ng dalawa sa mga residenteng nakatanggap ng SAP

- Humigit sa sampung katao ang kanilang nabiktima bago tuluyang nabuking ang kanilang raket

- Tuloy pa rin ang pamimigay ng cash assistance sa pamamagitan ng social amelioration program ng DSWD

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa gitna ng pamimigay ng cash assistance sa pamamagitan ng social amelioration program ng DSWD, timbog ang dalawang baranggay volunteer sa Barangay Pasong Tamo sa Quezon City.

Napag-alaman ng KAMI na nanghihingi umano sila ng limang daang piso sa mga residenteng nakatanggap ng cash aid. Ayon sa isang opisyal ng baranggay, tumutulong ang mga to sa pagpapapirma sa mga residente ngunit sinamantala nila ang mga residente. Ayon pa sa ulat ng ABS-CBN News, nakapangbiktima ng mahigit sampung tao.

Ang social amelioration program (SAP) ay programa ng pamahalaan sa pamamagitan ng DSWD na inilunsad para mabigyan ng tulong ang mga mamamayang apektado ng enhanced community quarantine kung saan karamihan sa mga mamamayan ay hindi makapag-hanap-buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang isinailalaim sa ECQ ang maraming lugar sa Pilipinas upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 na ngayon ay itinuturing nang pandemya dahil sa pamiminsala nito at pagkalat sa buong mundo.

Ang COVID-19 o Coronavirus disease 2019 ay pinaniniwalaang nagmula sa Wuhan, China noong huling bahagi ng 2019. mabilis itong kumalat sa iba't-ibang bahagi ng mundo at kumitil na ng napakaraming buhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here, we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease. Be safe and stay informed! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel