Mga food packs na ipinamimigay bilang ayuda, basta na lamang itinapon at iniwan

Mga food packs na ipinamimigay bilang ayuda, basta na lamang itinapon at iniwan

- Ikinalungkot ng mga netizens ang video na nagpapakita ng bigas at sardinas na itinapon lamang

- Ayon sa nakakita niyon, nais sana niyang kunin ang mga itinapong pagkain pero madumi na ito

- Ang food pack ay isa lamang sa mga ayudang ipinamamahagi sa mga mamayang apektado ng ECQ

- Ito ay para matugunan ang pangangailangan ng mga pamilyang naghihikahos dahil walang trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nanghinayang sa mga pagkain basta na lamang iniwan kasama ng mga basura sa isang hindi pinangalanang lugar. Ayon sa post na ibinahagi ng Facebook Page na News Trend, nadaanan lamang umano ng taong nakakita ang mga food packs.

Binalak umano niyang kunin ang mga iyon kaya lang ay marumi ang mga ito dahil may naduraan ang mga ito.

"Huwag naman po sana natin itapon ang ayuda na binibigay sa atin. Yung iba nga walang natatanggap tapos kayo naman itinapon niyo sa basura. Ibinigay niyo na lang sana!

Nadaanan ko lang kukunin ko ssana pero may dura.May mga tao na nagpakahirap na i pack ang mga ayuda."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang mga food packs ay isa lang sa mga ayudang ibinibigay ng pamahalaan at iba pang pribadong grupo sa mgamamamayang apektado ng enhanced community quarantine. Dahil sa pagpapatupad ng ECQ, marami ang hindi makapagtrabaho kaya walang pambili ng mga pangunahing pangangailangan kagaya ng pagkain.

May cash aids din na ibinibigay kagaya ng perang ibinibigay sa pamamagitang ng DSWD.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

COVID-19 Survivor shares his story with us. An OFW in Dubai narrates how he ended up bedridden in a critical condition due to COVID-19. At some point, Ruffy Niedo felt he wouldn't make it. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel