Sonny Parsons ng Hagibis, sumakabilang buhay na

Sonny Parsons ng Hagibis, sumakabilang buhay na

- Sumakabilang buhay na ang dating miyembro ng bandang Hagibis na si Sonny Parsons

- Ayon sa ulat, binawian ng buhay ang aktor sa edad na 61 dahil sa atake sa puso

- Kinumpirma ng ilang ilang kasamahan niya sa industriya ang malungkot na balita

- Si Sonny ay nagsilbi rin bilang konsehal si Parsons sa Marikina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang nalungkot sa balitang sumakabilang-buhay na ang dating miyembro ng bandang Hagibis na si Sonny Parsons sa edad na 61.

Ayon sa ulat ng Abante, kinumpirma ng Boyfriends member na si Joey Abando ang pagpanaw ni Parsons mula kay Male Rigor ng VST & Company. Inatake umano sa puso si Sonny ayon sa text message kay Abando.

Sa kanyang Facebook post, ikinalungkot ng aktres na si Vivian Velez ang pagpanaw ng kaibigan. "Another Legend of OPM's Pinoy Discorama... REST IN PEACE Senyor Sonny Parsons of HAGIBIS. Ride to paradise my friend," aniya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa komento ng aktres sa kanyang Facebook post, "He rode his big bike to Quezon City then suffered a heart attack."

Sonny Parsons ng Hagibis, sumakabilang buhay na

Sonny Parsons ng Hagibis, sumakabilang buhay na
Source: Facebook

Ilan sa pinasikat na awitin ng kanilang grupo ay “Legs,” “Babae,” “Lalake” at “Katawan.” Naging aktor din sa telebisyon at pelikula si Sonny.

Huli siyang napanood sa “FPJ’s Ang Probinsyano" noong 2017 bilang isa sa mga kontrabida. Nagsilbi siyang konsehal sa Marikina kung saan naging tanyag din matapos na mabaril at mapatay ang tatlong magnanakaw na nanloob sa kanilang bahay sa nasabing lungsod.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

CODIV-19 Survivor shares his story with us. An OFW in Dubai narrates how he ended up bedridden in a critical condition due to COVID-19. At some point, Ruffy Niedo felt he wouldn't make it. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel