Sen. Koko Pimentel, balak magsampa ng cyberlibel sa mga gumawa ng negatibong kwento laban sa kanya

Sen. Koko Pimentel, balak magsampa ng cyberlibel sa mga gumawa ng negatibong kwento laban sa kanya

- Inihayag ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III ang kanyang planong magsampa ng cyberlibel case laban sa mga taong gumawa ng negatibong kwento laban sa kanya

- Ito ay kaugnay sa kinasangkutan niyang isyu matapos magpositibo sa COVID-19

- Tinutunton na umano nila ang pinanggalingan ng mga kumakalat ng gawa-gawang kwento

- Matatandaang inanunsiyo kamakailan ng senador na nagnegatibo na siya sa coronavirus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inihayag ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III sa isang panayam ang kanyang kagustuhang panagutin ang mga tao sa likod ng pagpapakalat ng mga negatibong kwento laban sa kanya kaugnay sa kinasangkutan niyang isyu matapos magpositibo sa COVID-19.

Sa isang panayam sa DWIZ radio na iniulat ng Manila Bulletin, sinabi ng senador na tinutuntunton na nila ang mga taong sangkot sa pagpapakalat ng mga negatibong bagay tungkol sa kanya.

Hindi lang umano siya ang nakaramdam ng diskriminasyon kundi pati na ang kanyang asawa, drivers at mga security personnel kahit pa hindi nag positibo ang mga ito sa coronavirus.

“Meron rin talaga na hindi rin maganda ang hangarin at saka ang laman ng puso nila, iba. Imagine mo, gagawan mo ng kwento ‘yong drivers ko, pati pamilya nila, iintrigahin sa online. Tine-trace nga namin ang mga ito kasi krimen ito eh, krimen yan sa ilalim ng Cyber[crime Prevention] Act at sa ilalim ng Bayanihan Law,” aniya.

Dagdag pa niya maituturing na pangalawang buhay na niya ang paggaling sa COVID-19 at naiisip niyang isang karagdagang kontribusyon niya sa lipunan ay ang ilantad ang mga taong may "maiitim ang puso."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Kung ang basa ng tao ay may labag sa batas, ayusin lang ang reklamo. Hindi ‘yong general ang reklamo, lumalabas na parang pam-publicity…Kung legal, haharapin namin sa legal, pero kung political din pala lang na nagmamaskara na legal, bahala na ang taong-bayan,” hdagdag pa niya.

Pinasalamatan din niya ang mga doctors at nurses na nagpakita ng kabutihan sa kanya at sa kaniyang asawang kapapanganak lamang nitong Marso.

Matatandaang umani ng batikos ang senador matapos siyang sumama sa asawang buntis sa Makati Medical Center noong March 24. Lumabas din ang balitang positibo siya sa COVID-19 sa araw ding iyon.

Nanindigan siyang haharapin niya ang kasong isinampa sa kanya matapos niya umanong lumabag sa Republic Act No. 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Disease and Health Events Act.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

CODIV-19 Survivor shares his story with us. An OFW in Dubai narrates how he ended up bedridden in a critical condition due to COVID-19. At some point, Ruffy Niedo felt he wouldn't make it. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel