Thirdy Lacson, nagbahagi ng Mother's Day greeting para sa kanyang dalawang mama

Thirdy Lacson, nagbahagi ng Mother's Day greeting para sa kanyang dalawang mama

- Hindi kinaligtaang batiin ni Panfilo "Thirdy" Lacson III na batiin ang kanyang inang si Jodie Sta. Maria sa Araw ng mga Ina

- Gayundin ang kanyang stepmother na si Iwa Moto na kasalukuyang karelasyon ng kanyang ama

- Marami ang napabilib sa magandang samahan ni Jodi at Iwa sa kabila ng kanilang nakaraan

- Si Thirdie ay anak ni Jodi at dating asawa nito na si Pampi Lacson na anak ni Senator Panfilo "Ping" M. Lacson

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi kinaligtaan ni Panfilo "Thirdy" Lacson III na batiin ng Happy Mother's Day ang kanyang inang si Jodi Sta. Maria gayundin ang kanyang stepmother na si Iwa Moto.

Makailang beses nang naging usap-usapan ang magandang relasyon ng mag-inang Jodi at Thirdy sa mag-asawang Pampi Lacson at Iwa.

Ilang beses nang nakikita sa social media posts nila na lumalabas silang magkakasama at tila walang samaan ng loob. Kahit sina Jodi at Iwa ay naging malapit din sa isa't-isa.

Matatandaang matapos magkahiwalay nina Jodi at Pampi, si Iwa ang sumunod na naging karelasyon ni Pampi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Biniyayaan sina Iwa and Pampi ng anak na babae.

Sa naunang ulat ng KAMI, binuweltahan ni Iwa ang isang netizen na umakusa sa kanya na inagaw niya si Pampi kay Jodi.

Si Panfilo "Thirdy" Lacson III ay ang nag-iisang anak ng dating mag-asawang sina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson na anak ni Senator Panfilo "Ping" M. Lacson.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

CODIV-19 Survivor shares his story with us. An OFW in Dubai narrates how he ended up bedridden in a critical condition due to COVID-19. At some point, Ruffy Niedo felt he wouldn't make it. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel