Ilang frontliners, emosyonal sa Mother's day greeting para sa kanilang mga ina

Ilang frontliners, emosyonal sa Mother's day greeting para sa kanilang mga ina

- Karamihan sa mga frontliners ay hindi kapiliing ang kanilang mga ina ngayong mother's day

- Ang ilan, bukod sa nasa malayong lugar ang mga magulang, mas minabuting hindi na muna umuwi ng bahay para makasiguro sa kalusugan ng kanilang mga mahal sa buhay

- Minabuti nilang padalhan na lamang ng video greeting ang mga superwoman ng kanilang buhay bilang pagpupugay nila sa mga ito ngayong Araw ng mga ina

- Bukod sa pasasalamat sa mga sakripisyo ng kanilang mga ina, nangako rin ang ilan na pagkalipas ng pandemeyang ito, uuwi sila sa piling ng kanilang mga nanay bilang selebrasyon ng buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dagdag sa hirap ng mga frontliners ngayong Mother's day ay ang hindi nila pagyakap at hindi mahahagkan ang kanilang mga ina sa espesyal na araw na ito.

Kaya naman ang karamihan sa kanila ay minabuting gumawa na lamang ng video greeting para sa mga superwoman ng kanilang buhay.

Nalaman ng KAMI na ang karamihan kasi sa mga frontliners na ito ay mas piniling hindi na muna umuwi sa kanilang tahanan upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Ang iba naman, sadyang hindi na kasama ang mga ina at nangako na lamang na matapos ang pandemyang ito, sila'y magkikitang muli na masaya at malusog at ipagdiriwang ang pagiging ligtas sa COVID-19.

Ang ilan naman ay pawang mga ina na hindi kasama ang kanilang mga supling para ipagdiwang ang mahalagang araw ng pagpupugay sa kanila.

Hindi naiwasan ng ilan na maluha dahil miss na miss na nila ang kanilang pamilya lalo na ang kanilang mga anak ngunit sa tindi ng pag-iingat, kailangan nilang mawalay sa mga ito.

"Hi Ma, happy Mother's Day. Sorry I can't be home. Don't worry, I'm okay here. I miss you," pagbati ni Dr. Miguel Jarabelo, ophthalmology resident ng East Avenue Medical Center.

"Hayaan mo, pagbalik ko, pagkatapos ng lahat ng ito, pagkatapos ng GCQ, at ECQ, at lahat ng CQ, kita-kita na ulit tayo and kung san mo gusto game na game ako," pagbati ni Dr. Jeth Cruz sa kanyang ina.

"I hope you're keeping safe. Please always wear a mask, eat your veggies, mag-zumba lang," she said. "Love you and I'll see you soon, promise," pahayag ni Dra. Aimee Capinpuyan ng Surigao del Norte para sanyang mama.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video mula sa 24 oras express ng kanilang pagbati sa "reyna" ng kanilang mga buhay:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

An OFW in Dubai narrates how he ended up bedridden in a critical condition due to COVID-19. At some point, Ruffy Niedo felt he wouldn't make it... Now he shares his story with us.

"Hindi Na Po Ako Makagalaw, Kahit Daliri Ko. Hirap Na Hirap Ako." - CODIV-19 Survivor | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel