Mga magsasaka sa Palawan, nagbigay pugay sa mga frontliners

Mga magsasaka sa Palawan, nagbigay pugay sa mga frontliners

- Nag-alay ng isang pagpupugay ang mga Yamang Bukid dancing farmers para sa mga frontliners

- Sa video ipinakita ang mga sakripisyo ng garbage collectors, mga pulis at military personnel lalo na ang mga health workers na itinuturing na mga frontliners ng ating bansa laban kontra COVID-19

- Ito raw ang paraan ng pasasalamat ng mga magsasaka na maituturing din namang mga bayani sa panahong dumadaan sa matinding krisis di lamang ang ating bansa kundi maging ang buong mundo

- Natuwa rin ang mga netizens sa nakakatunaw ng pusong ginawa ng dancing farmers para sa mga frontliners

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbigay pugay ang mga Yamang Bukid dancing farmers ng Palawan sa mga frontliners ng bansa laban sa COVID-19.

Sa saliw ng "fight song" na nagmistulang theme song ng ating laban kontra sa COVID-19, todo bigay sa pagsayaw ang YB farmers na siyang alay nila sa mga itinuturing na bayani sa panahon ngayon.

Pinakita rin sa video ang mga sakripisyo ng garbage collectors na nagsisiguro ng kalinisan ng ating lugar. Mga pulis at military personnel na nagbabantay sa mga quarantine checkpoints lalong-lalo na ang mga health workers na nagbubuwis ng kani-kanilang buhay sa pagharap sa mga pasyenteng positibo sa COVID-19.

Ito raw ang paraan ng pasasalamat ng mgamagsasaka para sa frontliners na matapang ang hinaharap ang araw-araw hangga't di pa natatapos ang laban kontra COVID-19 na kumitil na ng maraming buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang mga netizens ay natuwa sa nakakatunaw ng pusong video na ito. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Brothers and sisters of Yamang Bukid Congratulations po and carry on your good works for the good all the people of God in this world! Praying for your good health from all of here in Baguio City!"
"Simply proud and thankful of the energetic YB farmers... Keep safe po"
"Labis aqng na touch s ginawa nu pra mpsaya Ang mga frontliners.But I want you to know,for m you,too are also great frontliners,nagtitiis kau Ng mtinding init,pagod sa araw2,mkaprovide lng Ng healthy fud,seeds,& farm technologies for us Palaweños.I salute you and your Sir.God bless you and protect you always."
"Tagos sa puso ng mga kapwa Pilipino ang ginawa niyo napaiyak ko kc ramdam ko ang paghihirap at pagod niyo at naranasan korin ang pagtatanimng tubo at palay. kaya saludo ako sa inyong lahat ingat po kayong lahat."
"Wow galing naman NG mga workers from yamang bukid. I'm. Proud to all of you because of your mission"
"Salamat po yb family.. nakakagaan ng pakiramdam.. nakakawala ng pagod.. yahooo!!"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

An OFW in Dubai narrates how he ended up bedridden in a critical condition due to COVID-19. At some point, Ruffy Niedo felt he wouldn't make it... Now he shares his story with us.

"Hindi Na Po Ako Makagalaw, Kahit Daliri Ko. Hirap Na Hirap Ako." - CODIV-19 Survivor | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel