Carol Banawa, nagpahayag ng pagsuporta sa Kapamilya Network

Carol Banawa, nagpahayag ng pagsuporta sa Kapamilya Network

- Nagpahayag ng pagsuporta sa ABS-CBN ang dating Kapamilya singer na si Carol Banawa

- Ito ay matapos ipahinto ng National telecommunications Commission ang pag-ere nito simula noong May 5

- Ayon sa dating singer, nabigyan siya ng trabaho ng ABS-CBN noong panahong nagkaroon ng malaking dagok sa pamilya niya

- Kasalukuyang naninirahan si Carol sa Amerika at nagtatrabaho bilang isang nurse

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpahayag ng pagsuporta para sa ABS-CBN ang dating Kapamilya singer na si Carol Banawa. Ibinahagi niya ang malaking tulong na naibigay sa kanya ng Kapamilya Network noong nagkaroon ng problema ang kanyang pamilya.

"Ito ang naging tahanan ko mula pa noong 1994. Labintatlong-taong gulang pa lang ako noon. Sa mga lumipas na taon, sila ang nakasama ko nung nagkaroon ng malaking dagok sa buhay ng pamilya ko. Sila ang nagbigay sa akin ng trabaho nung mga panahon na kailangan kong kumita para matulungan ko ang pamilya ko," aniya.

Dagdagp pa niya, mananatili siyang Kapamilya kahit pa hindi na siya aktibo sa mundo ng showbiz.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Isa akong kapamilya. Hindi mawawala sa puso ko ang pagmamahal at respeto ko sa ABS-CBN. Kahit saan pa mang sulok ng mundo ako mapunta. Naniniwala ako na babangon itong muli, dahil ang tahanan na ito ay nakatatak na sa puso ng lahat ng Pilipino. #istandwithabscbn," dagdag pa niya.

Bukod sa pag-awit, naging bahagi din si Carol ng ilang Kapamilya shows. Ilan sa kanyang pinasikat na awitin ay "Noon at Ngayon," "Stay," and "Bahit 'di Totohanin.". Kasalukuyang naninirahan si Carol sa Amerika at nagtatrabaho bilang isang nurse

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here, we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease. Be safe and stay informed! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel