"Honesty Jeepney" para sa "new normal", handa nang pumasada sa Cagayan de Oro City

"Honesty Jeepney" para sa "new normal", handa nang pumasada sa Cagayan de Oro City

- Hinangaan ang konsepto ng isang jeepney driver sa Cagayan de Oro City dahil sa ginawa niyang "Honesty jeepney"

- Bukod sa may social distancing na ang mga pasahero, mayroon na itong fare collection box

- Ginawa ito upang hindi na rin ipasa-pasa pa ng pasahero ang pamasahe patungo sa driver

- Pakiusap ng mga netizens na sana'y maging tapat ang mga sasakay sa jeepney na ito lalo na at ginawan na ng paraan ng tsuper na maging ligtas sa COVID-19 ang kanyang mga pasahero

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang bagong konsepto ng jeepney sa Cagayan de Oro City na tinawag nilang "honesty jeepney."

Binahagi ng Philippine Star ang larawang kuha ni Daryljane Lastimosa Magaway at makikita ritong handa na sa "new normal" ang siyudad.

Bukod kasi sa social distancing, makikita ang 'fare collection box' sa pagitan ng mga pasahero.

Ito ay upang ihulog na lamang ng sasakay ang pamasahe nila sa naturang kahon at hindi na ipasa-pasa pa ito patungo sa driver na nakaugalian nang gawin.

Mapapansin ding may harang na na silag na plastik sa pagitan ng pasahero at ng tsuper.

Hinangaan ito ng marami nating mga kababayan at sana raw ay pamarisan na rin ng ibang lugar.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Paalala rin ng iba na sana'y maging tapat ang mga sasakay sa jeep na ito lalo na at nagmalasakit pa ang tsuper na gawin ang "honesty jeepney" na ito para na rin sa seguridad ng mga pasahero kontra COVID-19.

Ang mga lugar tulad ng CDO na kasama na sa general community quarantine ay bahagyang babalik na sa dating pamumuhay ang mga tao sa ilalim ng "new normal".

Kaya naman maging ang pampublikong sasakyan ay dumidiskarte na rin ng pagpasadang sumusunod pa rin sa mga safety protocol laban sa kinatatakutang virus.

May 1 nang sumailalim ang ilang bahagi ng bansa sa GCQ at binahagi naman ng CNN Philippines ang ilang kaukulang guidelines na dapat tupdin sa patakarang ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease.

Don't Panic, But Beware of COVID-19 Symptoms! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel