Coco Martin, umalma sa pahayag ni Spox. Harry Roque hinggil sa POGO at ABS-CBN

Coco Martin, umalma sa pahayag ni Spox. Harry Roque hinggil sa POGO at ABS-CBN

- Muling naglabas ng saloobin sa social media ang Kapamilya aktor na si Coco Martin

- Inalmahan ng aktor ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi maaring maikukumpara ang POGO sa pagpapasara ng ABS-CBN

- Kinuwestiyon din niya kung bakit pinapayagang magbukas ang POGO samantalang ipinagbabawal ang pagsusugal sa kalye

- Si Coco Martin ay isa lamang sa ilang Kapamilya stars na naglabas ng kanilang saloobin hinggil sa pagpapasara ng ABS-CBN

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nangiming kuwestiyonin ng Kapamilya actor na si Coco Martin ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque hinggil sa pagkukumapara ng pagbubukas ng POGO at pagpapasara ng ABS-CBN.

Sa isang Instagram post, inilabas ni Coco ang kanyang saloobin hinggil sa isyu. Aniya, ang pagbubukas ng POGO ay pagbibigay ng trabaho sa mga dayuhang Chinese samantalang ang pagpapasara ng Kapamilya Network ay pagtatanggal ng trabaho sa manggagawang Pinoy.

Kinuwestiyon din niya kung bakit pinayagang mabgukas ang POGO gayung ipinagbabawal ang pagsusugal sa kalye.

Narito ang kaniyang buong pahayag:

Sabi po ni Presidential Spokesperson Harry Roque naniniwala daw po siya na nananaig pa rin ang demokrasya sa ating bansa at malayo daw na ikumpara ang POGO sa pagpapasarado ng ABS-CBN. Paano po hindi maikukumpara ang POGO sa pagpapasara ng ABS-CBN? Ang pagpapapasok niyo ng POGO dito sa ating bansa ay ang pagbibigay ng trabaho sa madaming dayuhang Chinese. Ang pagpapasarado po ng ABS-CBN ay pagtatanggal ng trabaho sa maraming manggagawang Pilipino. Tama naman ho kayo, magkaiba nga.. kasi ang dayuhang Chinese nabibigyan ng trabaho, samantalang kami pong kapwa niyo Pilipino tinanggalan niyo ng hanapbuhay. Matanong ko lang po bakit minamadali natin ibalik ang Pogo samantalang ang pagsusugal ngayon sa kalye ay pinagbabawal? Dahil po ba maliit ang Tong!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naging hati naman ang netizens hinggil sa pananaw ng aktor. May ilang hindi sumang-ayon.

Coc hindi lang Chinese ng ooperate ng pogo. Tapos 30k Pinoy nag ttrabaho in total sa lahat ng pogo dito. Wag kang yakyak ng yakyak jan. Alam nating lahat you are already set for life. Quit the drama this is the real world.
Did you know that there are 31,000 filipino workers working in POGOs?

Gayunpaman, may mga netizens ding sumang-ayon at nagpahayag ng kanilang suporta sa ABS-CBN.

Matatandaang tumigil sa pag-ere ang ABS-CBN dahil sa ipinag-utos ng National Telecommunications Commission (NTC) na cease and desist order nitong May 5. Pati ang programa ng Kapamilya network sa radyo ay natigil rin.

Ang ABS-CBN o Alto Broadcasting System - Chronicle Broadcasting Network ay kilala din sa tawag na Kapamilya network. Maitututring itong isa sa pinakamalaking istasyon ng telebisyon sa bansa. Ayon sa kanilang pahayag, 11,000 ang empleyado nito na apektado sa kasalukuyang krisis na kanilang kinakaharap.

POPULAR: Read more about Coco Martin here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here, we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease. Be safe and stay informed! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel