Viral video ng kakaibang safety protocol kontra COVID-19, may 1 million views na

Viral video ng kakaibang safety protocol kontra COVID-19, may 1 million views na

- Agaw eksena sa social media ang makulit na safety protocol sa isang barangay

- Di lamang kasi kinukuha ang body temperature, lumulublob pa sa 'disinfectant" ang sinomang papasok sa kanilang lugar

- Maging ang kumukuha ng video ay maririnig na tuwang-tuwa sa lalaking lakas loob na gumawa ng safety protocol

- Umabot na sa mahigit isang milyon ang views ng viral video na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tuwang- tuwa ang mga netizens sa video ng kakaibang safety protocol bago pumasok sa isang barangay.

Binahagi ng Glicelyn TV ang video kung saan isang lalaki ang makikitang namili ng kanilang pagkain.

Ngunit bago ito tuluyang makapasok sa kanilang kalsada, muling na-check ang kanyang body temperature.

Bukod pa rito, kailangan pang lumublob ng daraan sa isang drum ng tubig na may disinfectant upang masiguro na "malinis" ang residente bago pa man ito makarating ng kanilang bahay.

Game na game naman itong ginawa ng lalaki habang ang kumukuha naman ng video ay tawang-tawa rin sa "pagsunod" ng residente.

Maging ang mga netizens ay aliw na aliw sa makulit na "safety protocol" na ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Pati shoes talga kasama? ang kulit ng nakaisip nito"
"Hehe, may disinfectant ba talaga? pagdating mo sa bahay diretso ligo ka na rin"
"Sang barangay kaya ito? susko hindi na lalabas ang mga tao sa takot na malublob"
"Pag ganito ang bantay sa amin, papadeliver na lang kami palagi"
"Paano nga kaya kung ganito kahigpit sa checkpoint ano?haha"

Bilang pag-iingat sa COVID-19, iba't ibang safety protocol ang ipinapaalala sa mga mamamayan.

Isa na rito ang pag-check ng body temperature ng mga tao at sinisigurong hindi ito aabot sa 38 degreed celcius na isang indikasyon na mayroon na itong lagnat.

Pinapaalala rin na hangga't maari ay huwag nang ipasok sa bahay ang sapatos na ginamit sa labas at mainam na i-disinfect pa rin ito.

Agad ding pinagpapalit ng damit ang mga taong lumabas ng bahay at nararapat din umanong maligo na agad ang mga ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease.

Don't Panic, But Beware of COVID-19 Symptoms! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel