Pacquiao sisters, kinabiliban ng netizens dahil sa pagkakatuto sa gawaing bahay

Pacquiao sisters, kinabiliban ng netizens dahil sa pagkakatuto sa gawaing bahay

- Kinabiliban ng mga netizens ang pagiging simple ng pamilyang Pacquiao

- Nag-viral kamakailan ang pagturo ng nina Manny at Jinkee Pacquiao ng paglalaba sa kanilang mga anak

- Buong pagmamalaking ibinahagi ni Jinkee ang ilang mga gawaing bahay na natutunang gawin ng kanilang mga anak

- Ang Pamilyang Pacquiao ay maituturing na isa sa pinakamayayamang pamilya sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Jinkee Pacquiao ang mga litrato ng kanyang dalawang anak na babae na naghuhugas ng mga plato. Bilang lumaki sa may kayang pamilya, sanay ang mga ito na may mga kasambahay na tumutulong sa kanila sa loob ng bahay.

Gayunpaman, hindi hinayaan ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao na hindi mamulat sa hirap ng buhay ang kanilang mga anak. Nauna nang ibinahagi ni Senator Manny na saging na sinasawsaw sa bagoong ang naging pagkain nila kaya pinatikim niya ito sa kanilang mga anak.

Dahil sa kinailangang manatili ng lahat sa kani-kanilang bahay, naisipan ng mag-asawa na turuan ang kanilang mga anak ng mga gawaing bahay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Usap-usapan kamakailan ang pagturo nilang mag-asawa ng paglalaba sa kanilang dalawang anak. Ipinagluto din ng magkapatid na Mary at Princess Pacquiao na ipagluto ang kanilang mga magulang.

Marami naman ang bumilib sa mag-asawa dahil sa kabila ng kanilang katayuan sa buhay ay hindi nila pinalaking spoiled ang kanilang mga anak.

Wow bilib talaga ako a
Bless you girls ♥️ Kudos to the parents who raise them well
Ganyan dapat! Kahit may kaya sa buhay, iba pa rin ang napalaking maayos ng mga magulang. Saludo ako sa inyo Senator Manny at Jinkee!

Si Jinkee Pacquiao ay nag-tatrabaho bilang sales attendant para sa isang cosmetics brand bago niya nakilala si Manny Pacquiao.

Sa isang shopping mall sila unang nagkita kung saan ang uncle ni Jinkee, na dating trainer ni Manny, ang naging daan para magkakilala sila.

Ikinasal sila noong taong 2000 at meron silang limang anak na sina Emmanuel Jr., Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth and Israel.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here, we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease. Be safe and stay informed! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel