Edited Version ng ‘Laban Kapamilya’ pictures, kinaaliwan ng mga netizens

Edited Version ng ‘Laban Kapamilya’ pictures, kinaaliwan ng mga netizens

- Sa pakikiisa sa laban ng ABS-CBN, nagbahagi ng kanilang mga pictures ang mga Kapamilya sa social media

- Nakalagay ang kanilang nakakuyom na kamay sa kanilang dibdib bilang simbolo ng kanilang pakikiisa sa ‘Laban Kapamilya’

- Kinaaliwan ng mga netizens ang mga edited na ‘Laban Kapamilya’ pictures ng mga Kapamilya stars

- Umani ng samu't-saring reaksiyon ang mga edited na mga pictures nila kung saan nilagyan ng iba't-ibang bagay na hawak ang mga artista

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bilang pagpapakita ng suporta sa ABS-CBN, nagbahagi ng kani-kanilang mga litrato ang mga Kapamilya stars sa social media. Nakalagay ang kanilang nakakuyom na kamay sa kanilang dibdib bilang simbolo ng kanilang pakikiisa sa ‘Laban Kapamilya’.

Ito ay matapos tumigil sa pag-ere ang ABS-CBN dahil sa ipinag-utos ng National Telecommunications Commission (NTC) na cease and desist order nitong May 5. Pati ang programa ng Kapamilya network sa radyo ay natigil rin.

Ilan sa mga Kapamilya stars na matapang na naglabas ng kanilang sama ng loob ay sina Coco Martin, Angel Locsin, at Judy Ann Santos. Ibinhagi din nila ang kanilang pagkabahala at pag-aalala para sa 11,000 na employees na apektado sa nangyari.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa post na ibinahagi ng Facebook Page na Ceferu, makikita ang mga litrato ng mga artista na kuha sa kanilang 'Laban Kapamilya' posts. Nilagyan ng iba't-ibang bagay na hawak ang mga artista na kinaaliwan ng mga netizens.

Very creative funny and deep. You made my day.. you created many stories in every meme.. kudos..
Halos maluha luha at mamatay ako sa kakatawa hahahahaha

Gayunpaman, may mga netizens na nagpahayag ng kanilang pagkadismaya. Ayon sa ilan sa kanila, hindi madali ang pinagdadaanan ng mga nawalan ng trabaho kaya hindi dapat ito gawing katatawanan.

RESPECT!! A single word but only few can do. Andaming tao sa Pilipinas pero kunti lang ang marunong magpakatao!
Mga Pinoy talaga kung sino yung nasa baba ay tuluyang binababa.
Mga tao talaga mapanghusga at ginagawang katatawanan lahat.d po tayo perpekto nagkamali sila at inaamin din nila un.ang hinihingi nila ngayun pagdamay hindi panlalait.lahat tayo ngkakasala walang perpekto sa mundo.me mas malalang epidemya nangyayari pero inuuna ntin ang manlait kapwa ntin.kung me pinagdaraan sila ngayun hayaan na ntin sila na solusyonan yan unahin ntin sarili nting dumi.

Ang ABS-CBN o Alto Broadcasting System - Chronicle Broadcasting Network ay kilala din sa tawag na Kapamilya network. Maitututring itong isa sa pinakamalaking istasyon ng telebisyon sa bansa. Ayon sa kanilang pahayag, 11,000 ang empleyado nito na apektado sa kasalukuyang krisis na kanilang kinakaharap.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here, we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease. Be safe and stay informed! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel