94-anyos na mag-isa na lamang sa buhay, hindi nakakuha ng ayuda

94-anyos na mag-isa na lamang sa buhay, hindi nakakuha ng ayuda

- Nabigo ang 94-anyos na lola sa Caloocan City na makakuha ng ayuda sa ilalim ng social amelioration program ng pamahalaan

- Madaling araw pa lamang ay nakapila na ang matanda sa pag-aakalang makatatanggap siya ng ayuda

- Sa kasamaang palad, hindi siya nakakuha ng SAP form at inakala rin niyang makahihingi rin siya sa araw na iyon

- Awang-awa man ang taga-DSWD sa matanda, at nilista naman niya ang lola para sa susunod na bigayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang 94-anyos na lola ang matiyagang naki-pila sa Caloocan City sa pag-aakalang makatatanggap siya ng ayuda sa ilalim ng social amelioration program ng pamahalaan.

Ayon sa ulat ni Mark Salazar, mag-isa na lamang sa buhay ang lola kaya naman malaking bagay sana ang ayudang pinamamahagi ng DSWD.

Nalaman ng KAMI na dahil hindi siya nakakuha ng SAP form, bigo si Lola Magna Aparece na makakuha ng sana'y panggastos niya sa panahon ng krisis dulot ng COVID-19.

Kukuha pa lang sana ng form ang lola ngunit ayon kay Rochelle Fernando ng Caloocan CSWD, matagal nang natapos ang mass filing para rito.

Awang-awa man sa matanda, ang tanging nagawa ng nagpoproseso ng SAP ay ang ilista si lola Magna para sa susunod na bigayan ngunit hindi niya ito masasabi kung kailan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang social amelioration program ay ang ibinibigay ng pamahalaan sa mga kababayan nating labis na nangangailangan ng tulong pinansyal ngayon na kasalukuyang humaharap ang bansa sa krisis dulot ng COVID-19.

Base sa ulat ng Manila Bulletin, nasa 75% na ng pamamahagi ang natapos at inaasahan na rin ang pamimigay ng second tranche nito anumang oras.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The phrase "social distancing" has become an essential part of our life. Some still neglect the rules that can protect them from getting infected with the virus. Be responsible: social distancing is important!

Social Distancing: Essential Rules All Filipinos Must Follow | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel