Maria Ressa, inamin ang pagkakamali hinggil sa nasabi sa isang panayam

Maria Ressa, inamin ang pagkakamali hinggil sa nasabi sa isang panayam

- Humingi ng paumanhin ang CEO ng Rappler na si Maria Ressa matapos niyang sabihing 11 million ang employees ng ABS-CBN

- Ito ay kanyang nasabi sa isang panayam sa kanya ni Beverley O'Connor ng The World by ABC News Australia

- Dahil sa pagkakamaling ito ay marami ang bumatikos kay Ressa at inakusahan siyang nagpapakalat ng fake news

- Inamin naman niya ang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa ABC News at sa tagapakinayam

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inihingi ng paumanhin ng CEO at founder ng Rappler na si Maria Ressa ang kanyang pagkakamali sa isang panayam ng The World by ABC News Australia sa kanya. Ito ay matapos niyang mabanggit sa panayam na 11 million imbes na 11,000 ang employee ng ABS-CBN.

Agad na kumalat sa social media ang video clip ng panayam kay Ressa. Kasabay nito ay ang pagbatikos ng ilang mga netizens hinggil sa kanyang nasabi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, amindao si Ressa sa kanyang naging pagkakamali at isang statement ang kanyang ibinahagi sa Twitter upang humingi ng paumanhin at upang ipaliwanag ang pangyayari.

Matatandaang isa sa pinakamainit na usapin ay ang pagtigil ng operasyon ng ABS-CBN kamakailan. Ito ay matapos ihain ng National Telecommunications Commiision ang cease and desist order para sa ABS-CBN.

Marami ang umalma kabilang na ang mga tagasuporta ng TV station pati na rin ang mga artistang nagtatrabaho dito.

Ang ABS-CBN o Alto Broadcasting System - Chronicle Broadcasting Network ay kilala din sa tawag na Kapamilya network. Maitututring itong isa sa pinakamalaking istasyon ng telebisyon sa bansa. Ayon sa kanilang pahayag, 11,000 ang empleyado nito na apektado sa kasalukuyang krisis na kanilang kinakaharap.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here, we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease. Be safe and stay informed! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel