89-anyos na tindera ng gulay, napaluha nang balikan at dalhan ng tulong ng mga pulis

89-anyos na tindera ng gulay, napaluha nang balikan at dalhan ng tulong ng mga pulis

- Sa kabila ng kanyang edad na 89, matiyaga pa ring naglalako si Lola Consulacion para lamang may makain ang kanyang pamilya

- Dahil sa naka-enhanced community quarantine pa rin sa kanilang lugar, may mga bantay na pulis upang masigurong walang pakalat-kalat na mga tao bilang pag-iingat sa COVID-19

- Upang hindi mahuli, minabuting dumaan sa ilog ni Lola Consulacion sa ilog kung saan naman siya napansin din ng mga pulis

- Ngunit imbis na hulihin, binalikan nila ang tirahan ng matanda upang madalhan ito ng mga pagkain upang hindi na ito lumabas pa para lamang magtinda at may kitain

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umantig sa puso ng mga netizens ang video ni Lola Consulacion na matapang pa ring naglalako ng malunggay at camachile kahit nasa ilalim pa rin ng enhanced community quarantine ang kanilang lugar.

Sa kabila ng edad niyang 89, pilit siyang lumalabas para ilako ang paninda para lamang may makain ang kanilang pamilya.

Ngunit sa takot na baka mahuli siya sa quarantine checkpoint ng mga bantay na pulis at sundalo, dumadaan siya sa ilog kahit na lubhang mapanganib.

Sa kabila ng paglihis na ito, napansin pa rin siya ng kapulisan. Subalit imbis na hulihin, nangibabaw ang awa ng mga ito sa matanda.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman naisipan ng mga pulis na bisitahin si Lola Consulacion upang dalhan siya at ang kanyang pamilya ng tulong upang hindi na raw ito lumabas para maglako.

Hindi napigilang maging emosyonal ng matanda sa di inaasahang tulong na natanggap mula pa sa mga taong iniiwasan niya at inaakala niyang huhuli sa kanya.

Ginagawa lamang niya ito dahil wala na raw makain ang kanyang pamilya.

Kaya naman laking pasalamat ni Lola Consulacion sa pagmamalasakit ng mga puli sa kanya lalo na sa panahon ng krisis dulot ng COVID-19.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

An OFW in Dubai narrates how he ended up bedridden in a critical condition due to COVID-19. At some point, Ruffy Niedo felt he wouldn't make it... Now he shares his story with us.

"Hindi Na Po Ako Makagalaw, Kahit Daliri Ko. Hirap Na Hirap Ako." - CODIV-19 Survivor | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel