23 na OFW sa Dubai, nasawi dahil sa komplikasyon sa COVID-19

23 na OFW sa Dubai, nasawi dahil sa komplikasyon sa COVID-19

- Umabot na sa 23 ang bilang ng mga overseas Filipino workers sa Dubai na pumanaw dahil sa komplikasyon sa COVID-19

- Sa kabila nito, marami pa rin naman umano ang naka-recover ayon Philippine Consul General Paul Raymund Cortes

- Nasa 1,500 namang mga Pinoy doon ang nagparamdam na nais na lamang umuwi sa Pilipinas

- May kabuuang bilang na 2,140 na kumpirmadong kaso ng mga OFW sa iba't ibang panig ng daigdig na nagpositibo sa COVID-19 ayon sa Department of Foreign Affairs

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

23 na ang natialang bilang ng mga overseas Filipino workers sa Dubai na nasawi dala ng komplikasyon na dulot ng COVID-19.

Base sa ulat ng GMA News, kinumpirma ni Consul General Paul Raymund Cortes sa isang televised briefing kasama ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ang nakalulungkot na balitang ito.

Gayunpaman, marami-rami narin umano ang naka-recover sa naturang bansa at balak nang makabalik sa trabaho lalo na at lumuwag na ang banta ng COVID-19 sa kanila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagparamdam naman ang nasa 1,500 na mga Pinoy na nais na lamang nilang umuwi sa Pilipinas.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, sagot ng United Arab Emirates ang hospitalization ng sinumang mag-positibo sa COVID-19 kasama na rin ang mga Pilipino na naroon.

Samantala, umabot naman sa 2,140 ang kabuuang bilang ng mga OFW na tinamaan ng COVID-19 sa iba't ibang panig ng mundo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

An OFW in Dubai narrates how he ended up bedridden in a critical condition due to COVID-19. At some point, Ruffy Niedo felt he wouldn't make it. Now he shares his story with us.

"Hindi Na Po Ako Makagalaw, Kahit Daliri Ko. Hirap Na Hirap Ako." - CODIV-19 Survivor | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel