Chito Miranda, naaliw sa viral video ng babaeng nag-rap ng "Bagsakan"

Chito Miranda, naaliw sa viral video ng babaeng nag-rap ng "Bagsakan"

- Binahagi ni Chito Miranda ng bandang Parokya ni Edgar ang viral video ng babaeng nag-cover ng 'Bagsakan'

- Aliw na aliw daw ang lead vocals sa version ni Maricon Panizales kaya naman nai-share din niya ito sa official page ng Parokya ni Edgar

- Maging ang mga netizens ay natuwa sa video ni Maricon kaya naman umabot na sa 818,000 views

- Ang kanta/rap na "Bagsakan" ay collaboration ng mga bigating local artist tulad nina Francis Magalona, Gloc-9 at Chito Miranda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon ang video ng netizen na si Maricon Panizales kung saan ginawan niya ng cover ang sikat na rap song na "Bagsakan".

Maging ang lead vocals ng Parokya ni Edgar (PNE) na si Chito Miranda ay naaliw sa version na ito ni Maricon.

Nalaman ng KAMI na ni-request raw ito kay Maricon at kanya naman itong pinaunlakan.

Chito Miranda, naaliw sa viral video ng babaeng nag-rap ng "Bagsakan"

source: Parokya ni Edgar Official FB page
Source: Facebook

Tuwang-tuwa rin ang mga netizens na nakapanood ng video kaya naman umabot na ito sa mahigit 818,000 views.

Dagdag pa sa aliw ay nang huminga siya ng malalim pagkatapos ng kanta at napasabi pa ng "thank you Lord!'"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Continue to sing your heart out like there’s no tomorrow. There’s nothing wrong to love yourself and to live your life the way you always dreamed of. Let this pandemic be an awakening for everyone that we shouldn’t underestimate self-love. Life is too short, we’ll never know what tomorrow will bring. Go out there, sing and dance like it’s the end of the world."
"Wow! Sobrang chill lang ah. Amazing!lodi na kita"
"Wooh nawala stress ko dito! At naaliw din si idol sir Chito! Tawa yung anak ko walang tigil ha ha!"
"Swerte ni ate napansin sya ng PNE sana magkaroon sila ng Meet and Greet!"
"Idol Chito kabahan kana sira na career moh.. nde lang nakopya nahigitan pah.."
"Yung Thankyou lord sa dulo talaga. Nakahinga na sya ng maluwag. Haha."
"Hanep, nung pinakikinggan ko, ako yung nahihirapan huminga nice one ate!

Ang rap song na "Bagsakan" ay collaboration nina Chito, Francis Magalona at Gloc-9.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease.

Don't Panic, But Beware of COVID-19 Symptoms! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel