Sa kabila ng shutdown: ABS-CBN, patuloy sa pamimigay ng tulong sa mga taga-Laguna

Sa kabila ng shutdown: ABS-CBN, patuloy sa pamimigay ng tulong sa mga taga-Laguna

- Sa kabila ng shutdown ng ABS-CBN, wala pa ring nakapigil sa kanila sa pamamahagi ng tulong sa lahat ng mga barangay sa Famy, Laguna

- Mahigit 4,000 na pamilya ang nabiyayaan ng may tig-limang kilo ng bigas

- Malaking tulong daw ito sa kanila lalo na at hindi lahat ay nakatanggap na ng ayuda

- Patuloy pa rin ang operasyon ng pagtulong ng ABS-CBN Foundation at ngayong panahon ng pandemya, tinawag nila ang programa na "Pantawid ng Pag-ibig"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Walang nakapigil sa ABS-CBN sa patuloy na pagbibigay ng serbisyo sa kanilang mga kapamilya na nangangailangan ng tulong.

Ayon sa ulat ni Bernadette Sembrano ng ABS-CBN News, nagsadya sila sa Famy, Laguna upang mamahagi ng bigas sa lahat ng barangay doon.

Ito ay bahagi ng kanilang programang "Pantawid ng Pag-ibig" na kanilang inilunsad upang magbigay ng biyaya sa mga labis na nangangailangan ngayong panahon ng krisis dulot ng COVID-19.

Mahigit 4,000 na tig-limang kilong bigas ang naipamahagi sa mga pamilya sa lahat ng barangay ng Famy.

Tulad na lamang daw ng magsasaka na si Rosario Rillores na bagaman at napapaligiran ng taniman, wala pa ring makain buhat nang sumailalim sa enhanced community quarantine ang buong Luzon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman malaking tulong sa kanila ang pinamahaging bigas ng Kapamilya network.

Labis na pasasalamat din ng alkalde ng Famy na si Mayor Edwin Pangilinan sa nakarating na tulong sa kanila.

Mayo 5 nang maglabas ng ang National Telecommunications Commission (NTC) ng ‘cease and desist’ order laban sa ABS-CBN.

Una na itong naiulat ng KAMI kung saan nabanggit na expired na umano ang prangkisa ng higanteng estasyon ng bansa nitong Mayo 4 at hindi pa umano ito na-renew ng kongreso.

Naging emosyonal ang pamamaalam ng network sa programang TV Patrol noong Martes ng gabi.

Ngunit nito ring Huwebes, Mayo 7, muling naisa-ere ang naturang news program sa TV Plus, Facebook page at ANC.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

An OFW in Dubai narrates how he ended up bedridden in a critical condition due to COVID-19. At some point, Ruffy Niedo felt he wouldn't make it... Now he shares his story with us.

"Hindi Na Po Ako Makagalaw, Kahit Daliri Ko. Hirap Na Hirap Ako." - CODIV-19 Survivor | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel