Mag-asawang Pinoy frontliners sa Libya, may "tripleng" grasya sa gitna ng giyera at COVID-19

Mag-asawang Pinoy frontliners sa Libya, may "tripleng" grasya sa gitna ng giyera at COVID-19

- Maayos na naisilang ang tatlong malulusog na supling sa Libya sa gitna ng giyera at banta ng COVID-19 doon

- Ang triplets daw ang nagsisilbing kasiyahan ng mag-asawang Pinoy na pawang mga frontliners pa sa laban ng Libya kontra COVID-19

- Nakamamanghang kahit na buntis, matapang na pumapasok pa raw ang misis na isang nurse

- Aminado silang doble ang pasakit sa Libya ngayon dahil nababalot na nga sila sa takot dala ng mga pagsabog dahil sa giyera, nakikipagsapalaran din sila ngayon sa nakamamatay na virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masasabing nabiyayaan pa rin ang mag-asawang Pinoy na sina Reynald and Ciela Borja dahil sa kabila ng pandemya at giyera na dinaranas nila ngayon sa Libya, maayos na naipanganak ang kanilang triplets.

Nalaman ng KAMI na pawang mga nurse ang mag-asawa at frontliners din ng pinapasukang ospital kontra COVID-19.

Kaya naman doble raw talaga ang pasakit at pangamba nila sa panahon ngayon dahil patuloy pa rin ang pag-atake ng mga rebelde roon kahit na nanalasa rin ang COVID-19 sa naturang bansa.

Ayon sa ulat ng GMA News, aminado ang mag-asawa na mahirap ang kalagayan nila roon dahil nakaririnig na lamang sila ng pagsabog na hindi nila nalalaman kung sila na ba ang inaatake o hindi.

Dahil dito, minabuti raw ni Ciela na pumasok pa rin sa ospital upang maibsan ang pangamba niya kung nasa bahay lamang siya.

Laking pasasalamat nilang mag-asawa nang maayos at malulusog ang kanilang mga supling na siyang nagbibigay ng labis na kaligayahan sa kanila ngayon.

Kasalukuyan nang may 62 cases ng COVID-19 ang Libya ayon sa worldometers.

Matatandaang noong nakaraang taon, pinagbawal na ng ating pamahalaan ang deployment ng OFW sa Libya dahil sa giyera.

Ang iba naman ay nanatili pa rin sa bansa habang ang karamihan ay repatriated na sa tulong ng Department of Foreign Affairs.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Our energetic host Andre tries out the Guess the Gibberish quiz on Instagram! Will he prove himself to be the gibberish master or will he fail to decipher the words?

Hilarious Guess The Gibberish Challenge With Andre | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel