Kilig! Lalaki, nag-propose sa GF niya kasama ang buong pamilya nila online

Kilig! Lalaki, nag-propose sa GF niya kasama ang buong pamilya nila online

- Ipinamalas ng isang lalaki ang kanyang pagmamahal sa nobya niya kahit na mayroong enhanced community quarantine ngayon

- Sa tulong ng pamilya nilang dalawa, may kakaibang gimik na naisip ang lalaki para masurpresa pa rin ang girlfriend niya

- Gumawa ng isang video conference ang pamilya nila at ang buong akala ng babae ay gagawa lang siya ng make-up tutorial

- Hindi niya akalain na biglang magpo-propose ang boyfriend niya sa harap ng pamilya nila online

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tampok sa social media ngayon ang matamis na proposal story ng isang magkasintahan kahit na mayroon ngayong enhanced community quarantine.

Nalaman ng KAMI na humingi ng tulong ang lalaki sa pamilya nila ng girlfriend niya para sa kakaibang gimik niya.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, naisipan ni Joe Josue na gamitin ang video conference app na Zoom para mag-propose sa nobya niya.

Dahil mag-isa lang siyang nakatira sa condo niya, inaya umano ng pamilya ni Martina Bautista na doon muna ito tumuloy sa kanila habang may ECQ. Kaya naman, naging mahirap sa kanya ang pagtatago at paggawa ng plano dahil lagi silang magkasama.

"It was easy to coordinate with her mom to ask permission if it was okay to do it while in quarantine, her dad as well," aniya.

“It was maybe more difficult because most of the day we're together,” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naisip ng kapatid ni Martina na kunwari ay gagawa na lang ng make-up tutorial ito online kasama ang pamilya niya para na rin naka-ayos siya para sa espesyal na okasyong ito.

"Her sister had the clever idea of masking the Zoom call as a makeup artist tutorial—which Mart has been doing—so that she would look good at the proposal time," sabi ni Joe.

Nang nasa video conference na ang pamilya ni Joe at Martina, may hawak na placards ang mga ito na nakasaulat nang “Will you marry Joe?”

Labis ang gulat ni Martina sa surpresang inihanda sa kanya ng kanyang nobyo at pamilya.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

In this new episode, we explain to you the symptoms of COVID-19 that everyone should be aware of amid the pandemic. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel