Britain's Got Talent judges, bumilib sa dance duo na pambato ng Pilipinas

Britain's Got Talent judges, bumilib sa dance duo na pambato ng Pilipinas

- Napatayo sa paghanga ang mga judges ng Britain's Got Talent judges matapos na magtanghal ang pambato ng Pilipinas na sina Ezekiel Vargas and Carl Belarmino

- Buong sigla nilang sinayaw ang "Proud Mary" at sinamahan nila ito ng kakaibang mga gimik na pumatok naman di lamang sa audience kundi maging sa mga judges

- Dahil sa pinakitang husay at galing, pasok na sa susunod na round ang dance duo ng Pinas

- Nai-record na ang audition video na ito bago pa man lumaganap ang COVID-19 at kasalukuyang postponed ang programa dahil sa naturang pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakaka-proud ang husay at galing ng dance duo na sina Ezekiel Vargas and Carl Belarmino na pambato ng Pilipinas sa Britain's Got Talent.

Buong husay nilang sinayaw ang "Proud Mary" na may kakaibang timpla dahil sa kanilang mga gimik.

Bukod kasi sa galing nila sa paghataw sa dance floor, may agaw-eksena rin ang pagpapalit nila ng damit na nagpa-wow sa mga manonood.

Proud silang pinakita ang iba't ibang damit Pilipino tulad na lamang ng terno, Barong Tagalog, at maging ang mga tradisyunal tattoos ng bansa ay kanila ring naibida.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos ang makapanindig balahibo nilang pagtatanghal, "standing ovation" ang kanilang natanggap sa audience maging sa mga judges na sina Amanda Holden, Alesha Dixon, David Williams at si Simon Cowell.

Dahil dito, nakatanggap sila ng apat na "Yes" at pasok na sila sa susunod na round ng programa.

Recorded na ang naturang audition video ng Britain's Got Talent bago pa man lumaganap ang COVID-19 sa mundo.

Isina-ere ito sa kanilang YouTube channel nitong Abril. Kasalukuyang postponed ang programa dahil sa naturang pandemya.

Narito ang kabuuan ng performance nina Ezekiel at Carl:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

The phrase "social distancing" has become an essential part of our life. Some still neglect the rules that can protect them from getting infected with the virus. Be responsible: social distancing is important!

Social Distancing: Essential Rules All Filipinos Must Follow |

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel