Larawan ng frontliner na labis na nagpawis dahil sa PPE, umantig sa puso ng netizens
- Viral ang larawan ng isang frontliner sa San Juan na tumutulo na ang pawis lampas sa kanyang PPE
- Hindi pinandirihan kundi hinangaan pa lalo ang frontliner na ito sa hirap ng kanyang dinaranas sa pagsusuot ng personal protective equipment gayung napakainit pa ng panahon
- Tila hindi na nagawa pang indahin ng frontliner ang init magampanan lamang ang kanyang tungkulin
- Inulan siya ng papuri dahil sa sakripisyong ginagawa ng tulad niyang health worker sa laban ng bansa kontra COVID-19
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Pumukaw sa puso ng netizens ang larawan ng isang frontliner na labis nang nagpapawis dala ng matinding init dahil sa suot nitong personal protective equipment o PPE.
Binahagi ng Philippine Star ang mga larawan kung saan mas lalong hinangaan ang tulad niyang health worker.
Imbis na pandirihan, umani ng papuri ang health worker na matiyagang ginagampanan ang kanyang tungkulin kahit hindi na siya komportable sa kanyang suot.
Dumagdag pa kasi ang init ng panahon nitong mga nagdaang araw kaya naman dumoble pa ang hirap sa pagsusuot nila PPE bilang proteksyon nilang mga health workers sa pagharap nila sa mga pasyenteng may COVID-19.
Hindi na ininda pa ng health worker ang kanyang kalagayan at patuloy pa rin niyang ginagawa ang kanyang tungkulin sa ospital.
Ang ilang netizens tuloy, hindi raw naiwasang maluha dahil sa nakaaantig ng pusong larawan na ito ng isang "bayani" na nakikipaglaban para sa bansa kontra COVID-19.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang ilan sa mga komento:
"Grabeng hirap ng mga doktor ntin, delikado kayong matuyuan ng pawis,mglgay kyo ng pulbo s likod ninyo from neck down,kya saludo po ako s inyo mga health workers.May God bless you all"
"Dama ko ang struggle, napakainit pa po... saludo kami lalo sa inyo frontliners!"
"God bless po sa inyong lahat! Kasama po kau palage sa dasal ko..."
"Thank you po sa lahat ng sacrifices nyo para malabanan ang pandemic.. Godbless po."
"God bless you more. Thank you for your sacrifices."
"Pahirap. Lord keep them safe and strong everyday!"
Base sa huling naitala ng Department of Health, umabot na sa 10, 343 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
An OFW in Dubai narrates how he ended up bedridden in a critical condition due to COVID-19. At some point, Ruffy Niedo felt he wouldn't make it. Now he shares his story with us.
"Hindi Na Po Ako Makagalaw, Kahit Daliri Ko. Hirap Na Hirap Ako." - CODIV-19 Survivor | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh