Larawan ng lolang mangangalakal na nakatanggap ng ₱5,000 ayuda, viral

Larawan ng lolang mangangalakal na nakatanggap ng ₱5,000 ayuda, viral

- Viral ang larawan ni Lola Veronica Piliton ng General Santos City na masayang tinanggap ang ₱5,000 ayuda mula sa DSWD

- Tigil sa pangangalakal si Lola Veronica at ang kanyang mister dahil sa quarantine kaya naman hirap silang makakuha ng panggastos araw-araw

- Kwento pa ng lola, ito raw ang pinakamalaking halaga na kanyang nahawakan sa buong buhay niya

- Malaking tulong daw ito lalo na at isang beses na lang silang kumakain mag-asawa mula nang sumailalim ang kanilang lugar sa enhanced community quarantine

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang natuwa para kay Lola Veronica Piliton nang matanggap na niya ang ₱5,000 ayuda ng pamahalaan.

Binahagi ng DSWD XII ang larawan ni Lola Veronica na walang pagsidlan ng kaligayahan nang matanggap ang tulong para sa kanilang mag-asawa.

Pangangalakal umano ang ikinabubuhay nilang mag-asawa at aminadong mas nahirapan sila ngayong nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang kanilang lugar bilang pag-iingat sa COVID-19.

Katunayan, simula nang hindi sila makapaghanapbuhay, isang beses na lamang daw sa isang araw sia kumakain.

Noon kasi, kahit na paano ay may 100 piso silang kita sa pangangalakal sa isang araw.

Kwento pa ni Lola Veronica, ang ₱5,000 ang pinakamalaking halaga ng pera na kanyang nahawakan sa buong buhay niya.

Agad na ibinili ng bigas at iba pang pagkain nilang mag-asawa ang natanggap na biyaya upang maayos silang makakain.

Maging ang mga netizens ay natuwa para kay Lola Veronica at ito raw ang nararapat talagang mabigyan ng ayuda sa panahon ng krisis.

Humanga rin kasi sila sa kasipagan nito na sa kabila ng edad na 65 ay nagagawa pa rin nagtrabaho.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ganyan ang mga dapat hinahanap at dapat tulungan ng LGU kahit matanda na kayod pa din, enjoy po lola"
"Nakakatuwa si lola, kita mo ang kasiyahan niya"
"May sigurado na silang makakain buti at nabigyan si lola, God bless you po"
"Sana marami pang matulungan tulad ni lola na nagugutom na para kasing happy na rin sila ni lola Veronica"
"Sila po talaga ang nangangailangan ng tulong. Sila kasi yung nagsusumikap na mamuhay ng marangal nagkataong krisis kaya walang hanapbuhay"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

An OFW in Dubai narrates how he ended up bedridden in a critical condition due to COVID-19. At some point, Ruffy Niedo felt he wouldn't make it... Now he shares his story with us.

"Hindi Na Po Ako Makagalaw, Kahit Daliri Ko. Hirap Na Hirap Ako." - CODIV-19 Survivor | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel