Central Visayas, mas maraming naitalang COVID-19 cases ngayong araw kumpara sa NCR

Central Visayas, mas maraming naitalang COVID-19 cases ngayong araw kumpara sa NCR

- 116 ang naitalang naka-recover sa COVID-19 ngayong araw, Mayo 7

- Bumuo ito sa kasalukuyang bilang na 1,618 para sa mga gumaling mula sa nakamamatay na virus

- Ngunit nasa 339 pa rin ang naitalang karagdagang kaso ng COVID-19 ngayon ding araw na ito

- Region 7 ang may pinakamaraming naitala ngayong araw kumpara sa National Capital Region

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muli na namang nagbigay pag-asa ang 116 na naitalang naka-recover sa COVID-19 ngayong araw, Mayo 7.

Base sa inilabas na ulat ng Depatment of Health, may kabuuang bilang na na 1,618 ang mga gumaling sa naturang virus.

Samantala, mayroon na namang 339 na mga nagpositbo at karamihan pa sa mga ito ay mula sa Region 7.

Mas marami ang naitala ngayong araw mula sa nabanggit na rehiyon kung saan mayroong 205 additional cases o 61% ng nadagdag ngayon.

Pumangalawa naman ang dating nangungunang National Capital Region (NCR) na may 110 additional cases o 32% nang kabuuang naidagdag ngayon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang region 7 o central visayas region ay binubuo ng apat na mga probinsya. Ito ay ang Cebu, Bohol, Negros Oriental at Siquijor.

Kasalukuyan pa ring naka-enhanced community quarantine ang Metro Manila gayundin ang Central Luzon maliban sa Aurora, Calabarzon, Pangasinan, Benguet, Baguio City. Gayun din ang Iloilo, Iloilo City, Cebu, Cebu City, Bacolod City at Davao City.

Ang mga lugar sa bansa na hindi nabanggit at kasalukuyan nang nasa ilalim ng general community quarantine o GCQ. Ito ang tinatawag ding new normal dahil sa mga bagong panuntunan na susundin sa pag-iingat pa rin sa COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

An OFW in Dubai narrates how he ended up bedridden in a critical condition due to COVID-19. At some point, Ruffy Niedo felt he wouldn't make it. Now he shares his story with us.

"Hindi Na Po Ako Makagalaw, Kahit Daliri Ko. Hirap Na Hirap Ako." - CODIV-19 Survivor | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel