Mga madre at estudyante, nagtahi ng PPE para makatulong sa frontliners ngayong may krisis

Mga madre at estudyante, nagtahi ng PPE para makatulong sa frontliners ngayong may krisis

- Nagpamalas ng kabutihan ang mga madre at estudyante sa Cavite ngayong may krisis ng COVID-19 sa bansa

- Nagboluntaryo sila upang magtahi ng PPEs na gagamitin ng mga health care workers ngayon

- Ang mga PPEs na ito ay ido-donate nila sa mga ospital na kulang na ang supply nito

- Samantala, natuwa naman maging ang mga netizens sa pagtulong ng paaralan sa mga ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tampok sa social media ngayon ang mga madre at estudyante na tumulong sa paggawa ng protective personal equipment o PPE ngayong may krisis ng COVID-19 sa bansa.

Nalaman ng KAMI na nagboluntaryo ang mga ito para makatuong sa mga frontliners.

Ayon sa Facebook post ng Philippine Star, ibinahagi ng fashion designer na si Mich Dulce na ang mga taga-Sisters of Mary School sa Silang, Cavite ay nagtulong-tulong para gumawa ng local PPEs.

Nagboluntaryo ang mga ito sa Manila Protective Gear Sewing Club para gumawa ng PPEs at ido-donate nila ito sa mga ospital sa gitna ng krisis.

Maging ang mga netizens ay natuwa sa kabaitan ng mga madre at mag-aaral, lalo na ngayong may banta ng coronavirus disease sa bansa. Narito naman ang kanilang mga komento sa Facebook:

“Good job guys.. God bless u all”
“Galing talaga sa school na Yan...very productive ang mga graduates at hands on talaga ang learnings nila”
“Proud of you guys...godbless and keep safe”
“Those PPEs are blessed too! I'm very greatful to be part of SOM Family. I hope Mich Dulce and friends will come and visit our school soon and may we have future projects with her.”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nakaraang ulat ng KAMI, ibinahagi ni Bise Presidente na kasama niya ang fashion designer na si Dulce sa paggawa ng PPEs para sa mga frontliners.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

In this video, a 4Ps member replied to critics and provided an explanation as to where her cash aid goes! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel