COVID-19: Padre de pamilya, 'di nasulyapan kahit sa huling sandali

COVID-19: Padre de pamilya, 'di nasulyapan kahit sa huling sandali

- Doble-pasakit sa pamilya ng nasawing lalaki sa Quezon City ang pagpanaw nito sa gitna ng krisis dahil sa coronavirus disease

- Sa loob ng nakasaradong itim na cadaver bag na lamang nila nakita ang padre de pamilya at sa loob lamang ng ilang saglit

- Pumanaw ang 62-anyos na lalaki dahil umano sa pneumonia ngunit hindi na-declare bilang PUI

- Ayon sa ulat, isinugod sa ospital ang lalaki matapos itong ma-stroke sa ikaapat na pagkakataon noong Marso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dagdag-pasakit pa sa mga pamilya ng mga nasasawi ang pagluluksa ngayong nahaharap sa krisis ang bansa dahil sa coronavirus disease.

Tulad na lamang ng pamilya ng lalaking si Rodolfo Santos na hindi man lang nabigyan ng pagkakataon na masulyapan ang kanyang mga labi.

Sa report ng ABS-CBN News (Author, Fernando G. Sepe Jr.), sa kabila ng pakiusap ng pamilya, sa loob ng nakasaradong cadaver bag na lang nila nasulyapan sa huling sandali si Rodolfo sa loob lang ng ilang saglit.

Ang kanyang misis na si Miriam Santos, makikita ang labis na paghihinagpis dahil sa pagpanaw ng mister.

Pumanaw umano ang 62-anyos na lalaki dahil sa pneumonia ngunit hindi na-declare bilang PUI o person-under-investigation.

Ayon sa ulat, isinugod sa ospital ang lalaki matapos itong ma-stroke sa ikaapat na pagkakataon noong Marso 14, 2020.

Bago nito, na-stroke na rin si Rodolfo noong 2018 na naging dahilan upang hindi na ito makapag-hanapbuhay.

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na dapat agad na i-cremate ang mga pasyenteng nasawi na may kaugnayan sa COVID-19.

Samantala, nakapagtala ng 339 bagong kaso ng deadly virus sa bansa ngayong araw. Sa kabuuan, mayroon nang 10,343 na positibong kaso sa Pilipinas ngayon.

1,618 naman ang naka-recover habang 685 na ang nasawi ayon sa huling update ng DOH.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

In this new episode, we explain to you the symptoms of COVID-19 that everyone should be aware of amid the pandemic. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel