Mga apo na nagpapalayas sa kanilang lola sa viral video, humihingi na ng tawad

Mga apo na nagpapalayas sa kanilang lola sa viral video, humihingi na ng tawad

- Agaw-eksena sa social media ang nakakagimbal na video kung saan naatim ng mga apo na bastusin ang kanilang lola

- Ang malala, mapapansing naka-empake na ang mga damit at gamit ng lola na tila pinalalayas pa ng kanyang mga apo

- Makikitang dalawa pa umano sa kanyang mga apo ang gumagawa ng hindi maganda sa kanya

- Ilang oras matapos na mag-viral ang video ng pananakit at pagpapalayas sa matanda, nakuha namang mag-sorry ng dalawang babaeng apo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang video ng mga babaeng apo na nagagawang bastusin ang kanilang lola.

Sa video, makikitang nakaupo lamang ang matanda nang lapitan ito ng isa sa kanyang mga apo na may hawak nang patalim.

Makikinig na kahit tinatakot na ng kumukuha ng video ang isa sa mga apo ay tumatawa lang ito at nakuha pang magsasayaw sa harap ng lola.

Hindi nagtagal, lumabas din ang isa pa nitong apo na nagawa nang saktan talaga ang matanda. Marahil dahil sa sama ng loob, nagtangkang gumanti ng lola.

Mapapansin ding tila pinalalayas ng mga apo ang kanilang lola dahil inilabas nila ang isang malaking bag nito.

Nadurog ang puso ng netizens at sinabing hindi tama ang ginawa ng mga apo sa nakatatanda sa kanila.

Kahit gaano pa raw kakulit ang matanda, dapat lamang daw unawain ng mga apo at hindi daanin sa dahas ang pakikipag-usap lalo pa at ito ay kanila namang lola.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Nakakaaawa si lola, kung nagkataon wlaa naman siyang laban sa mga apo niya"
"Ano pa man ang rason ng alitan na ito, natuto pa rin dapat rumeseto"
"Kahit gaano kakulit ng lola mo, lola mo pa rin yan. Kausapin na lang sana ng maayos at hindi sa ganitong paraan."
"Kahit ano pa man ang dahilan ng mga apo, lola pa rin nila iyon at nararapat lamang na ito'y kanilang igalang."

Narito ang video na binahagi rin ng netizen na si Elijah Quilla

Samantala, makalipas lamang ang ilang oras mula nang mag-viral ang video ng ito ng maglo-lola, agad namang nag-sorry ang dalawang mga apo nito.

Sa isa pa muling viral video, makikitang umiiyak sa pagmamakaawang humingi ng tawad ang dalawang apo na pinagsisisihan na raw ang kanilang ginawa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

An OFW in Dubai narrates how he ended up bedridden in a critical condition due to COVID-19. At some point, Ruffy Niedo felt he wouldn't make it. Now he shares his story with us.

"Hindi Na Po Ako Makagalaw, Kahit Daliri Ko. Hirap Na Hirap Ako." - CODIV-19 Survivor | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel