Affected-much! Lalaking fan ng ABS-CBN, inihagis ang kanilang TV

Affected-much! Lalaking fan ng ABS-CBN, inihagis ang kanilang TV

- Dahil daw sa labis na pagkadismaya sa ABS-CBN shutdown kaya naihagis ng isang lalaki ang kanilang TV

- Ayon sa kapatid nito na sinubukan pang pigilan ang lalaki, sobrang apektado ito dahil sa pagtigil ng pag-ere ng mga palabas ng Kapamilya network

- Umapela pa ito sa pamahalaan na bigyan ng konsiderasyon ang nasabing giant network

- Una nang sinabi ng Palasyo na "neutral" lamang si Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi nagpaawat ang isang lalaki sa Capiz na ihagis ang kanilang telebisyon dahil daw sa pagkadismaya nito sa broadcast shutdown ng ABS-CBN network.

Sa viral post ng kapatid nito na si Mira Ledesma sa Facebook, makikita pang sinubukan nitong awatin ang lalaki.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa isang milyon ang views nito habang libo-libo na rin ang nag-share.

Sa panayam kay Ledesma ng ABS-CBN News, sinabi nitong hindi nila inaasahan ang reaksyon mula sa mga netizens.

Nais lamang daw nila na ilabas ang kanilang saloobin ukol sa pagtigil ng pag-ere ng kanilang paboritong istasyon.

"In-express lang po namin 'yung saloobin namin na wala na po ang ABS-CBN. Masakit lang po kasi na sa 27 years ko na dito sa mundo ngayon lang mawawala 'yong paborito naming channel," anito.

Umapela pa ito sa pamahalaan na bigyan ng konsiderasyon ang nasabing giant network.

"Sana po maibalik na po nila ang ABS-CBN at kahit i-consider na lang muna nila kasi, nakakapanibago sa lahat, hindi lang po siguro sa amin," dagdag nito.

Una nang sinabi ng Palasyo na "neutral" lamang si Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN, na nauna nang nai-report ng KAMI.

"Ang panindigan po ng Presidente, kung nakuha naman po ng Kongreso na magpasa ng resolution na humingi sa NTC (National Telecommunications Commission) na magbigay ng provisional authority, bakit hindi na lang magpasa ng batas na nagbibigay ng franchise sa ABS-CBN?" saad ni Spokesperson Harry Roque.

"Huwag po kayong mag-alala mga congressmen. Hindi po magagalit, hindi matutuwa ang Presidente kung kayo po'y ipasa ang ABS-CBN. Completely neutral po ang Presidente d'yan," dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

In this new episode, we explain to you the symptoms of COVID-19 that everyone should be aware of amid the pandemic. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel