OFW sa Dubai, binahagi ang 'agaw-buhay' na pakikipaglaban sa COVID-19

OFW sa Dubai, binahagi ang 'agaw-buhay' na pakikipaglaban sa COVID-19

- Binahagi ng isang OFW sa Dubai ang kanyang di malilimutang karanasan sa pakikipaglaban sa COVID-19

- Matinding hirap ang kanyang pinagdaanan lalo pa at dumating sa puntong nag-agaw buhay na siya

- Inakala niya kasing kaya pa ng kanyang katawan ang sakit ngunit hindi niya alam na kritikal na pala ang kanyang kalagayan

- Marami rin siyang napagtanto tungkol sa kahalagahan ng buhay bilang isang survivor ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buong tapang na ibinahagi ni Engr. Raffy Niedo sa KAMI ang kanyang 'agaw- buhay' na karanasan sa pakikipaglaban sa COVID-19.

Dumating kasi sa punto na nire-revive na siya ng doctor dahil halos hindi na kinaya ng kanyang katawan ang naturang virus.

Inakala pa niyang ayos pa ang kanyang pangangatawan ngunit nang pumunta siya sa ospital, kritikal na pala ang kanyang lagay.

Napakahirap ng kanyang dinanas sa pagkakaroon ng COVID-19.

Halos isuko na niya ang sarili sa kamatayan dahil sa tindi ng nararanasan dahil sa kinatatakutang virus na ito sa buong mundo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman nang maka-recover ay laking pasalamat niya sa Panginoon at nabigyan pa raw siya ng isa pang pagkakataong mabuhay.

Marami rin umano siyang napagtanto sa pagiging COVID-19 survivor. Hindi biro ang virus at talagang unti-unti ka raw nitong binabawian ng buhay.

Kaya naman ganoon na lamang ang pagpapahalaga niya sa kanyang buhay ngayon at napaglabanan niya ang lahat ng pagpapakasakit na iyon.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Engr. Niedo na sana'y kapulutan natin ng aral lalo na at humahagupit pa rin sa ating bansa ang bagsik ng COVID-19:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Ano nga ba ang mga benepisyo na nakukuha ng isang myembro ng 4Ps? Sino nga ba ang mga kwalipikado para sa programang ito? Karapat-dapat nga ba sila bigyan ng pondo?

4Ps Member Replies To Critics, Explains Where Her Money Goes | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel