Pinay head nurse sa New York na pumanaw dahil sa COVID-19, binigyang pugay

Pinay head nurse sa New York na pumanaw dahil sa COVID-19, binigyang pugay

- Binigyang pugay ang isang Pinay head nurse sa New York na pumanaw dahil sa COVID-19

- Masakit para sa kanyang mga kasamahan ang pagpanaw nito dahil sadyang napakahusay makisama ng 63-anyos na nurse

- Kilala siya sa pagiging mahusay na pinuno sa kanyang mga kasamahan

- Bumuhos man ang luha sa araw ng pamamaalam sa kanya, alam nilang patuloy silang ginagabayan ng kanilang Mama Guia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binigyang pugay ang Pinay nurse na si Maria Guia Cabillon ng Kings County Hospital sa New York.

Ayon sa Yahoo Philippines, head nurse ng naturang ospital si Cabillon na pumanaw sa pakikipaglaban nito sa COVID-19.

"Mama Guia" kung siya ay tawagin ng kanyang mga kasamahan sa trabaho at hinahangaan nila ito sa kanyang husay at dedikasyon sa kanyang propesyon.

May angking kakayahan daw kasi itong humawak ng isang sitwasyon gaano man kahirap ay nagagawa nito ng maayos at kalmado.

“She’s able to calm the most violent and psychotic patients. To this day, I’m trying to figure out the magic," kwento ng isa sa ksamahan niyang nurse na si Shane DeGracia sa panayam sa kanilang The Daily Beast.

Hanggang sa dumating ang araw na tinamaan na ng COVID-19 ang kanilang lugar at doon na nagsimula ang araw- araw nilang pakikipaglaban sa nakamamatay na virus.

Pinay head nurse sa New York na pumanaw dahil sa COVID-19, binigyang pugay

source: Fatima Cabillon
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kasamaang palad, maging ang 63-anyos na kanilang "Mama Guia" na kilala sa kanyang katatagan at katapangan ay nagpositibo na rin sa COVID-19.

Kinakitaan man siya ng katatagan, binawian pa rin ito ng buhay.

Mayo 1 nang bigyan siya ng munting handog ng kanyang mga katrabaho bilang pamamaalam.

Bumuhos man ang luha sa araw na iyon, matapang silang bumalik sa kani-kanilang mga trabaho dahil alam nilang iyon ang nais makita sa kanila ng kanilang "Mama Guia."

Pinay head nurse sa New York na pumanaw dahil sa COVID-19, binigyang pugay

source: Fatima Cabillon
Source: Facebook

Si "Mama Guia" ay tubong Iloilo at nabiyayaan ng apat na mga anak na sumunod sa kanyang yapak bilang isang nurse.

Nakalulungkot isipin na dahil lamang sa bagsik ng COVID-19, pumanaw ang isang mahusay na Nurse at isang napakabuting ina.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Ano nga ba ang mga benepisyo na nakukuha ng isang myembro ng 4Ps? Sino nga ba ang mga kwalipikado para sa programang ito? Karapat-dapat nga ba sila bigyan ng pondo?

4PS Member Replies To Critics, Explains Where Her Money Goes | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Online view pixel