Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, mahigit 10,000 na

Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, mahigit 10,000 na

- Higit sampung libo na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa

- Karamihan pa rin sa bilang na ito ay nagmula sa National Capital Region

- Nagbigay pag-asa naman ang karagdagang bilang ng mga naka-recover na halos nasa isang daan ngayong araw

- 21 naman ang naitalang binawian ng buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umabot na sa mahigit sampung ibo ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa huling tala ng Department of Health ngayong araw, Mayo 6, 320 na panibagong COVID-19 ang nadagdag na siyang bumuo sa kabuuang bilang na 10,004.

179 o 56 % ng bilang na ito ay mula sa National Capital Region, 98 o 31 % nito ay mula sa Region 7 habang ang 43 o ang 13% nito ay mula na sa iba pang bahagi ng bansa.

Samantala, nagbigay pag-asa naman ang halos 100 mga naka-recover ngayong araw.

98 ang nadagdag kaya naman 1,506 ang kabuuang bilang ng mga nag-negatibo na sa virus.

Sa kasamaang palad, mayroon namang 21 na naitalang binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasalukuyan pa ring naka-enhanced community quarantine ang National Capital Region na may pinakamataas na bilang ng COVID-19 sa Pilipinas.

Gayundin ang Central Luzon maliban sa Aurora, Calabarzon, Pangasinan, Benguet kasama ang Baguio City. Iloilo, Cebu, Bacolod City, Cebu at Davao City.

Ang ibang bahagi ng bansa ay nasa ilalim naman ng general community quarantine. Ito ay bilang pag-iingat pa rin ng mga tao sa COVID-19 at ang tinatawag na "new normal."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Ano nga ba ang mga benepisyo na nakukuha ng isang myembro ng 4Ps? Sino nga ba ang mga kwalipikado para sa programang ito? Karapat-dapat nga ba sila bigyan ng pondo?

4PS Member Replies To Critics, Explains Where Her Money Goes | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel