Isang PWD, namimigay ng libreng goto para sa mga frontliners ngayong may krisis ng COVID-19

Isang PWD, namimigay ng libreng goto para sa mga frontliners ngayong may krisis ng COVID-19

- Isang lalaki na PWD ang nagsilbing inspirasyon sa marami ngayong may krisis sa bansa

- Kahit na may sariling pinagdadaanan, naisipan ng lalaki na mamigay ng libreng pagkain sa mga kababayan niya

- Kaya naman gamit ang kanyang goto cart, namimigay siya ng pagkain sa mga frontliners, bata, at maging sa mga senior citizens

- Natuwa rin ang mga netizens sa kabaitan ng lalaki lalo na ngayong may banta pa rin ng COVID-19 sa Pinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagsilbing inspirasyon ang isang lalaki na person with disability o PWD sa San Jose, Nueva Ecija dahil sa kanyang kabaitan ngayong may krisis sa Pilipinas.

Nalaman ng KAMI na namimigay ng pagkain ang lalaking ito gamit ang goto cart niya.

Ayon sa ulat ng PTV-4, namimigay ng libreng pagkain ang lalaki na si Christopher Porwelos sa mga kababayan niya at maging sa mga frontliners ngayong may krisis ng COVID-19 sa bansa.

Si Christopher ay nagkaroon ng injury sa kanyang kaliwang paa matapos niyang maaksidente noong 5 taong gulang pa lang siya. Hindi na niya naipagamot ito dahil sa kahirapan. Kinailangan na ring putulin ang kanyang kaliwang binti dahil sa takot na kumalat ang kanser.

Mula sa kabusilakan ng kanyang puso, naisipan niyang maghatid ng goto sa mga frontliners, bata, bilanggo, at maging sa mga senior citizens.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, labis naman ang tuwa ng mga netizens sa kabaitan ng lalaki kahit na siya ay may sariling pinagdadaanan. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post ng PTV-4:

“May gagawin ang Diyos sa buhay mo at sa pamilya mo. God bless you wherever you go.”
“Good job idol! More blessings to comes.. Salamat sa mga tulong mo at suporta po sa mga frontliners salute! And god bless idol gotong gala you’re the best”
“Good job sir. Pagpalain po kau ng poong maykapal.”
“Thank You so much po sa golden heart And soul. Godbless u more!”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

In this new episode, we explain to you the symptoms of COVID-19 that everyone should be aware of amid the pandemic. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel