Batang mag-isang nagrorosaryo sa bahay ngayong may krisis, ikinatuwa ng madlang people

Batang mag-isang nagrorosaryo sa bahay ngayong may krisis, ikinatuwa ng madlang people

- Isang bata ang pumukaw sa puso ng mga netizens ngayon sa social media

- Kita sa isang litrato na mataimtim na nagrorosaryo ang bata mag-isa sa bahay nila

- Gusto sana umano ng bata sumali sa Flores de Mayo pero sarado ang mga simbahan ngayon dahil sa COVID-19

- Natuwa naman ang mga netizens sa pagdadasal ng bata sa gitna ng krisis ngayon sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinagiliwan ng mga netizens ang isang bata na mataimtim na nagrorosaryo sa bahay sa gitna ng krisis sa bansa.

Nalaman ng KAMI na nagdasal na lang ang bata dahil gusto niya sanang sumali sa Flores de Mayo pero sarado ang mga simbahan ngayon.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Aldre Lagapa, kahit na sarado ang mga simbahan ngayon ay hindi naman naging hadlang ito sa bata para magdasal.

“Covid19 may close churches from those kids who want to join flores de mayo but for him, he is committed even in our home,” sabi nito sa post.

Base pa sa mga komento sa post, mag-isa lang bata na nagrorosaryo sa bahay nila.

Samantala, ang mga netizens naman ay natuwa sa pagiging madasalin ng bata. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook post:

“God bless you kid. Sana all”
“Wow... Galing naman”
“Huwaran ang batang ito. God bless you kid! Keep praying the rosary. It will change the future.”
“His love and dedication spring forth from his family. Thank you for showing him the way to Jesus.”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ngayon ay nakasailalim pa rin sa enhanced community quarantine ang ilang parte ng Luzon dahil sa banta ng coronavirus disease o COVID-19.

Ayon sa Department of Health (DOH), mayroong 9,684 kumpirmadong kaso na ng COVID-19 ang naitala sa Pilipinas.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

In this new episode, we explain to you the symptoms of COVID-19 that everyone should be aware of amid the pandemic. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel