'Di na ito biro! Papaya at kambing, nagpositibo na rin sa coronavirus

'Di na ito biro! Papaya at kambing, nagpositibo na rin sa coronavirus

- Hindi raw kumbinsido ang pangulo ng bansang Tanzania sa lumabas na resulta ng isinagawang COVID-19 tests sa ilang hayop at maging sa papaya

- Lumabas kasi sa mga resulta ng positibo ang mga ito sa nakamamatay na virus

- Dahil dito pinaiimbestigahan na nito ang mga nakuha nilang test kits mula sa hindi tinukoy na bansa

- Humingi rin umano ito ng gamot mula sa Madagascar na ibinibida ng pangulo nito bagamat hindi pa dumaraan sa pangdaigdigang pagsusuri sa medisina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi raw kumbinsido ang pangulo ng bansang Tanzania sa lumabas na resulta ng isinagawang COVID-19 tests sa ilang hayop at maging sa papaya.

Ito ay matapos lumabas na nagpositibo ang mga ito sa nakamamatay na virus.

Ayon sa report ng Reuters, hinihinala ng pangulo ng Tanzania na si President John Magufuli na "palpak" ang nakuha nilang test kits.

Hinala pa ni President Magufuli na baka may mga kababayan siyang nagpositibo na negatibo naman talaga.

Base sa report, ipinasuri nito ang mga imported na test kits sa security forces ng bansa.

Kumuha umano ang mga ito ng sample ngunit hindi sa tao kundi sa kambing, tupa at papaya at nilagyan ng detalye ng tao.

Ipinadala ang mga ito sa laboratoryo at hindi alam ng mga lab technicians ang totoong pinanggalingan ng mga ito.

Dahil dito pinaiimbestigahan na nito ang mga nakuha nilang test kits mula sa hindi tinukoy na bansa.

Samantala, humingi rin umano si Magufuli ng gamot mula sa Madagascar na ibinibida ng pangulo nito bagamat hindi pa dumaraan sa pangdaigdigang pagsusuri sa medisina.

"I’m communicating with Madagascar,” anito. "They have got a medicine. We will send a flight there and the medicine will be brought in the country so that Tanzanians too can benefit."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

In this new episode, we explain to you the symptoms of COVID-19 that everyone should be aware of amid the pandemic. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel