2-anyos na bata, kasama sa listahan ng SAP beneficiaries sa 1 barangay

2-anyos na bata, kasama sa listahan ng SAP beneficiaries sa 1 barangay

- Laking-gulat ng isang mag-asawa sa isang barangay sa Cebu City nang malamang kasama sa listahan ng SAP beneficiaries ang kanilang 2-anyos na anak

- Samantalang ang pangalan ng magulang nito ay hindi nakasama sa nasabing listahan bagamat ang tatay nito ang siyang nag-fill up ng DSWD form na isang no-work-no-pay employee

- Ayon naman sa DSWD, posibleng nagkaroon lamang ng pagkakamali rito dahil hindi maaaring maging beneficiary ang isang bata

- Bagamat hindi pa raw nakakarating sa kanila ang nasabing form ng bata, tiniyak nito na masusi nilang inaaral ang lahat bago maaprubahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Laking-gulat daw ng isang mag-asawa sa Barangay Apas, Cebu City nang malamang nakasama sa listahan ng Special Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Services (DSWD) ang kanilang 2-anyos na anak.

Ayon sa ama ng bata na si Darcy Ablong, batay sa report ng CDN, sinabihan daw sila na ang listahan ay ibinase sa 2015 list pero ipinanganak ang kanilang anak noong 2018.

Hindi rin daw nakasama ang pangalan niya sa listahan ng SAP beneficiaries bagamat siya sa nag-fill-up ng form para sa kanilang pamilya.

Giit pa ni Ablong, walang kapangalan sa kanilang lugar ang kanilang anak.

Samantala, sabi naman ni Doctor Jeffrey Ybones, head ng DSWD sa Cebu City, nagkaroon lamang ng pagkakamali rito dahil hindi maaaring maging beneficiary ang isang bata.

Ito umano ang dahilan kung bakit hinihikayat nila ang lahat ng barangay na i-post online ang kanilang listahan upang malaman ng mga residente kung may mga ganitong pagkakamali.

Bagamat hindi pa raw nakakarating sa kanila ang nasabing form ng bata, tiniyak nito na masusi nilang inaaral ang lahat bago maaprubahan.

Nangangamba naman si Ablong na isang no-work-no-pay employee na maaaring hindi sila mabigyan ng ayuda dahil mayroon siyang employer.

Pinayuhan na lamang daw ito na hintayin ang ayuda mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

In this new episode, we explain to you the symptoms of COVID-19 that everyone should be aware of amid the pandemic. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel