Pamimigay ng ayuda sa QC, sobrang haba ng pila at inabot na ng madaling araw

Pamimigay ng ayuda sa QC, sobrang haba ng pila at inabot na ng madaling araw

- Kilo-kilometro ang inabot ng pila ng mga benepisyaryo ng social amelioration program sa Quezon City

- Kahit pasado hatinggabi na ay mahaba pa rin ang pila sa Barangay Commonwealth na nais makuha ang ayuda nila

- Mahaba rin ang pila sa Barangay Batasan Hills at inabot din ito ng hatinggabi at nasa 4,800 na residente ang nabigyan ng ayuda

- Target naman ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na maipamigay lahat ng ayuda sa Mayo 7, pero hindi pa sigurado kung aabot ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inabot na ng hatinggabi ang bigayan ng ayuda sa isang barangay sa Quezon City nitong Martes.

Nalaman ng KAMI na 12:30 na ng madaling araw ay mahaba pa rin ang pila sa Barangay Commonwealth.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, libu-libong mga residente ang pumunta sa Commonwealth High School upang kunin ang kanilang ayuda mula sa social amelioration program.

Nasa 9,000 na tao ang pumila at kalimitan sa mga ito ay ang mga nawalan ng trabaho o kita dahil sa krisis ng COVID-19. Nasa 25,000 naman ang mga beneficiaries ng SAP sa Barangay Commonwealth.

Samantala, sa ulat naman ng GMA News Online, mahaba rin ang pila sa Barangay Batasan Hills para sa pagkuha ng ayuda. Nasa 4,800 na benepisyaryo ang nakakuha ng ayuda bago maghatinggabi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nais ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na maipamigay ang lahat ng ayuda sa ika-7 ng Mayo. Subalit, hindi pa rin tiyak kung aabot sila dito.

Nasa 377,000 ang mga benepisyaryo na kasama sa social amelioration program sa Quezon City. Sinubukan itong gawing house-to-house pero masyado raw ito mabagal at matagal dahil sa dami ng bibigyan.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

In this new episode, we explain to you the symptoms of COVID-19 that everyone should be aware of amid the pandemic. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel