Pres. Duterte, nagpakumbaba at humingi ng tawad kina Ayala at Pangilinan

Pres. Duterte, nagpakumbaba at humingi ng tawad kina Ayala at Pangilinan

- Sa isang televised address ni Pangulong Rodrigo Duterte, humingi siya ng tawad sa mga businessman na si Manny Pangilinan at ang angkan ng mga Ayala

- Paliwanag ng Pangulo, isang “humbling experience” para sa kanya ang krisis ng COVID-19

- Nagpasalamat din siya sa mga tulong ng business sector sa mga Pinoy ngayong may krisis sa bansa

- Handa rin umano ang Pangulo na makipag-usap at makipag-ayos sa mga ito matapos ang hindi nila pagkakasunduan noong nakaraan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagpakumbaba at humingi ng tawad si Pangulong Rodrigo Duterte sa businessman na si Manny V. Pangilinan at ang angkan ng mga Ayala.

Nalaman ng KAMI na humingi ng paumanhin ang Pangulo para sa mga masasakit na salitang nabitawan niya laban sa kanila.

Ayon sa ulat ng CNN Philippines, nagpasalamat din si Pangulong Duterte sa mga businessman na tumulong sa mga Pinoy ngayong may krisis ng COVID-19 sa bansa.

“I’d like to thank you from the bottom of my heart for helping us provide the necessities of the moment. I can promise you that I’ll be nice and if you want to see me, we can talk,” aniya.

“Naubos na ho ‘yung pagkasuplado ko kasi dahil sa COVID. The COVID humbled me with the kind of response that you gave, showed to the public, it’s a humbling experience also for me that baka kailanganin mo rin sila balang araw,” dagdag pa ng Pangulo.

Kaya naman, handa umano siya makipag-usap sa angkan ng mga Ayala at kay Pangilinan kung may mga hindi sila napagkasunduan noon.

“I am ready to talk and I would be reasonable, to the Ayalas and to Pangilinan, I apologize for the hurting words. If you can find in your heart to forgive me, because if you do not then if you do not want to forgive me I will undercut you I will go direct to God,” sabi ni Pangulong Duterte.

Sa isang tweet, nagpasalamat naman si Pangilinan sa mensahe ng Pangulo para sa kanila.

“I would like to thank the President for his remarks tonight, most especially for his sincerity and kindness,” sabi ni Pangilinan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Noong nakaraan ay nagbanta si Pangulong Duterte na kakasuhan niya ang mga water concessionaires sa Maynila tulad ng Manila Water at Maynilad dahil sa diumano’y “onerous contract” ng mga ito sa gobyerno.

Ang Manila Water Co. ay isa sa mga subsidiary ng Ayala Corporation. Samantala, si Pangilinan naman ang head ng Metro Pacific Group of Companies kung saan isa sa mga kompanya nito ang Maynilad.

Nagbanta rin noon ang Pangulong na gobyerno na ang magpapalakad ng water distribution services kung hindi sila papayag sa bagong kasunduan nila.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

In this new episode, we explain to you the symptoms of COVID-19 that everyone should be aware of amid the pandemic. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel