Komendyanteng si Babajie, pumanaw dahil sa malubhang sakit

Komendyanteng si Babajie, pumanaw dahil sa malubhang sakit

- Kinumpirma ng isang kaanak ang pagpanaw ng komedyanteng si Babajie sa edad na 35

- Sa pamamagitan ng Facebook post, inalala ng mahal sa buhay ang Kapuso comedian

- Ayon sa lumabas na report, pumanaw ito dahil sa sakit na pneumonia ngunit hindi kumpirmado kung may kinalaman ito sa COVID-19

- Noong nakaraang linggo lamang ay kumalat ang balitang pumanaw na ito ngunit mariing itinanggi ito ng pamilya

- Ayon sa lumabas na report, pumanaw ito dahil sa sakit na pneumonia ngunit hindi kumpirmado kung may kinalaman ito sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pumanaw na ang komedyanteng si Babajie o Alfredo Cornejo, Jr. sa totoong buhay nito lang Lunes, bandang 3:00 ng hapon sa San Lazaro Hospital sa Maynila.

Kinumpirma ito ng isang kaanak sa pamamagitan ng isang Facebook post. Inalala ng mga mahal sa buhay at kaibigan ang Kapuso comedian.

"Un na pala un tinototoo mo ung mga msg mo sa akin.. Bakit? Maaga pa.. Bata ka ka pa.. Alam mo kuya na mahal na mahal kita..
"Ikaw ang pinakaclose ko noon pa man ikaw nag turo sa akin mag business.. Ikaw madalas kong kasama....
"Mamimiss kita.. I'm so proud of U lagi kita ipinag mamalaki. Lagi mong kakampi.. Masakit kuya.. Ndi ko kayang sabihin.
"Queen Babajie Cornejo forever in our hearts. Kuya.. May you rest now," ayon sa FB post ng pinsan nitong si Cid Cornejo.

Base sa report ng ABS-CBN News, pumanaw ito dahil sa sakit na pneumonia ngunit hindi kumpirmado kung may kinalaman ito sa COVID-19.

Naulila ni Babajie ang inang si Minda at ang tatlong kapatid na sina Almin, Alina, at Aljohn.

Noong nakaraang linggo lamang ay kumalat ang balitang pumanaw na ito ngunit mariing itinanggi ito ng pamilya.

Ayon sa isang report ng PhilNews, Pebrero nang mapansin ang biglang pagbagsak ng katawan nito.

Dinala umano ito ng pamilya sa ilang ospital sa Pasay ngunit hindi na-admit dahil malakas pa raw ito.

Pero kalaunan ay humina na ang katawan nito at dumating sa puntong hindi na umano maimulat ang mata.

Nito lamang Abril 25 nang humingi ng tulong ang pamilya sa kanilang barangay at na-admit sa San Lazaro Hospital.

Nakilala si Babajie sa paglabas nito sa Kapuso show na Bubble Gang. Minsan na rin itong naitampok sa Kapuso Mo Jessica Soho matapos mag-viral ang "friendship" nito sa isang binatang dayuhan.

Nakikiramay ang KAMI sa mga naulila ni Babajie.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

In this new episode, we explain to you the symptoms of COVID-19 that everyone should be aware of amid the pandemic. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel