P30,000, ibibigay bilang pabuya sa mga magrereport ng insidente ng korapsyon

P30,000, ibibigay bilang pabuya sa mga magrereport ng insidente ng korapsyon

- Inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang tungkol sa kagustuhan ng Pangulong Rodrigo Duterte na matigil ang pangungurakot

- Ito ay hinggil sa mga lokal na opisyales na nangungurakot sa SAP at iba pang ayuda ng gobyerno para sa mga mahihirap

- P30,000 ang perang ibibigay bilang pabuya sa taong makakapagreport ng mga anomalya ng mga opisyales kapag napatunayang totoo ang sumbong

- Matatandaang inaresto ang isang kagawad sa Hagonoy, Bulacan matapos makuhanan ng video ang kanyang raket sa SAP cash aid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang tungkol sa pabuyang nais ibigay ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga makakapagsumbong sa mga katiwalian ng lokal na opisyales hinggil sa pamimigay ng SAP at iba pang ayuda ng gobyerno.

Ayon kay Roque, P30,000 ang pabuya kapag napatunayang totoo ang report.

Matatandaang nag-viral kamakailan ang isang kagawad sa Hagonoy, Bulacan matapos makuhanan ng video ang kagawad na sinasabihan ang mga tumatanggap ng SAP cash aid na P3,000 lang ang makukuha nila dahil ang P3,500 ay mapupunta sa mayor para ibigay umano sa mga hindi makakatanggap ng ayuda.

Naaresto ang nasabing kagawad sa utos ng pangulo. Itinanggi naman ng mayor na may kaugnayan siya sa raket ng kagawad.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang buong pahayag ni Roque:

Inatasan po ako ng ating pangulo na ianunsiyo na sa kagustuhan po ng ating pangulo na matigil ang pangungurakot pagdating sa SAP at iba pang ayuda ng gobyerno, [kagaya sa] ginawa po ni Kagawad Danilo Flores ng Hagonoy, Bulacan. Siya po ay magbibigay ng pabuya na P30,000 sa lahat po ng magrereport ng mga local officials na kumakana o kinukurakot ang mga ayuda para po sa mga mahihirap. Tumawag lang po kayo sa 8888.

Siyempre po kung gusto niyo ng ayuda, mag-iiwan kayo ng pangalan at telephone number at pag napatunayan po ang inyong reklamo sa korapsiyon laban sa mga lokal na opisyales na kinukurakot yung mga ayuda na pinamimigay ng gobyerno, P30,000 po ang pabuya na ibibigay ng ating presidente sa inyo. Alinsunod po ito sa Zero Tolerance ng ating presidente laban sa korapsyon lalong lalo na po doon sa mga kumakana at kumukorakot ang ayuda para sa mga mahihirap.

Ang SAP o special amelioration program ay isa lamang sa programang inilunsad ng pamahalaan para sa mga Pinoy na lubhang naapektuhan ng enhanced community quarantine. Ito ay ipinatupad sa ilalim ng Bayanihan To Heal As One Act na nilagdaan ng pangulo noong March 25, 2020.

POPULAR: Read more viral news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here, we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease. Be safe and stay informed! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel