Malacañang, umapela sa mga Pinoy na bawasan ang panonood sa Netflix ngayong may ECQ

Malacañang, umapela sa mga Pinoy na bawasan ang panonood sa Netflix ngayong may ECQ

- Naki-usap ang Malacañang sa publiko na bawasan ang paggamit ng Internet ngayong may krisis sa bansa

- Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, bawasan daw ang panonood ng Netflix sa mga bahay

- Dagdag pa niya, mas marami ang gumagamit ng Internet ngayon dahil sa enhanced community quarantine kaya nadagdagan ang problema sa bagal nito sa bansa

- Sa ngayon ay mayroong 9,485 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Umapela ang Palasyo sa publiko na bawasan ang panonood sa streaming app na Netflix ngayong may krisis ng COVID-19.

Nalaman ng KAMI na nais ng Palasyo bawasan ng mga Pinoy ang sobrang pagkonsumo ng Internet dahil mas marami ang may kailangan nito sa pag-aaral at trabaho.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin (isinulat ni Genalyn Kabiling), nakiusap din ang Palasyo na bawasan muna ang paggamit ng Internet lalo na ngayong hindi pa nagkakaroon ng karagdagang infra work sa bansa.

“Nakikiusap din tayo sa mga kababayan na habang hindi pa tayo completely nagkakaroon ng additional infra work para sa internet lalong-lalo na, bawas-bawasan natin ‘yun pagpanood ng Netflix at iba pang malakas kumonsumo ng internet,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

“I-download ninyo na kung ano ung kailangan ninyong i-download saka ninyo panoorin kasi habang pinapanood ninyo yan ay talagang napakalakas ng paggamit ng internet,” dagdag pa niya.

Inamin ni Roque na bago pa ang COVID-19 crisis ay may problema na sa bilis ng Internet ang Pilipinas. Kaya ngayon ay mas nagkakaroon ng problema rito dahil halos lahat ay nasa bahay sa ngayon dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine at nakatutok ang mga tao sa Internet.

“Kung dati may problema na tayo, lalo na ngayon dahil hindi lang ginagamit for education purposes syempre walang ginagawa sa bahay, lahat nasa internet,” aniya.

“Ang aking mga anak, wala silang pakialam sa mundo basta mayroon silang internet. huwag mo lang aalisin ang internet sa kanila,” dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nauna naman naibalita ng KAMI na ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG), malaki ang posibilidad na isailalim na lang sa general community quarantine ang buong National Capital Region (NCR).

Sa ngayon ay mayroong 9,485 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Ang 1,315 sa mga pasyente ay gumaling na mula sa sakit na ito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

In this new episode, we explain to you the symptoms of COVID-19 that everyone should be aware of amid the pandemic. Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel