Ivana Alawi, bumawi ng prank sa mga kapatid matapos siyang paiyakin ng mga ito

Ivana Alawi, bumawi ng prank sa mga kapatid matapos siyang paiyakin ng mga ito

- Bumawi ng prank si Ivana Alawi sa mga kapatid nitong sina Hashim at Mona Alawi

- Dahil alam niyang takot ang kanyang mga kapatid sa ipis, gumamit siya ng mga laruang ipis

- Ikinalat niya ito sa higaan ng kanyang mga kapatid na parehas napatalon nang magising

- Matatandaang napaiyak si Ivana sa prank ng kanyang mga kapatid kasama ang kanilang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nagpatalo si Ivana Alawi sa mga kapatid at inang nagpaiyak sa kanya sa isang prank kung saan hindi siya pinansin ng mga ito.

Bilang pambawi, napag-pasyahan niyang isagawa ang 'Ipis Prank' sa kanyang dalawang kapatid na sina Hashim at Mona Alawi.

Hindi muna umano niya isasali ang kanyang ina at baka daw masampal siya nito.

Nauna niyang pinuntahan si Mona na kanyang pinatulog sa kanyang kwarto. Habang himbing na natutulog ang kapatid, ikinalat niya ang mga laruang ipis sa higaan.

Pagkatapos nito ay ipinarinig niya ang recording ng kanyang sariling boses na nagsasabing, "Welcome to the land of ipis. Where we all come in peace". Nagising si Mona at sa gulat niya, napatalon ito at kumaripas ng takbo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi naman siya napikon dahil makailang beses na nilang ginagawa iyon sa isa't-isa.

Kagaya ni Mona, napatalon din si Hashim at napaakyat pa sa mesa sa kanyang gulat.

Marami ang naaliw sa masayang video na ito ng magkakapatid.

Tawang tawa ako don sa pag takbo ni Hashim. Halos hindi nalang ako maka hinga.
Grabe reaksyon ni Hashim. I feel you guys..same here. Takot din ako sa ipis.
Really made my day. Naiyak-iyak ako sa sobrang tawa. Sobrang bawi na si Miss Ivana. Good job. Infairness naman dito kay Mona and Hash, hindi sila na badtrip or nagalit usually kasi pag natutulog ka tapos ganon gagawin sayo ang ending magagalit pero sila hindi.kaya love love ko sila... solid ang samahan.

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa StarStruck sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit anim na milyon ang kanyang YouTube subscribers sa loob lamang ng pitong buwan simula nang mag-umpisa siyang gumawa ng YouTube videos.

Sa naunang ulat, nilinaw ni Ivana ang espikulasyon tungkol sa laki ng kanyang kinikita sa YouTube.

POPULAR: Read more about Entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here, we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease. Be safe and stay informed! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel