Mga OFW, umalma sa hakbang ng Philhealth na pataasin ang kontribusyon

Mga OFW, umalma sa hakbang ng Philhealth na pataasin ang kontribusyon

- Maraming overseas Filipino wrokers (OFW) ang umalma sa hakbang ng Philhealth na pataasan ang kanilang kontribusyon

- Batay sa anunsyo ng PhilHealth, inaatasan nitong tapyasan at ibayad bilang kontribusyon ang 3 porsyento ng sahod ng mga OFW

- Ito ay para sa mga manggagawang may buwanang sahod na umaabot ng P10,000 hanggang P60,000

- Mas mataas ito ng 0.25 percent kumpara sa 2.75 percent contribution noong nakaraang taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inalmahan ng mga overseas Filipino workers (OFW) ang pagpapataas ng kanilang kontribusyon sa PhilHealth o Philippine Health Insurance Corp.

Aabot na sa 3 percent ng kanilang sahod ang magiging kontribusyon nila ayon sa huling anunsiyo ng PhilHealth.

Sa isang YouTube live video, mariing tinutulan ng OFW na si Grace Escalera ang pagtaas ng kanilang kontribusyon.

Ayon pa sa kanya, hindi nga kasama ang kanilang pamilya sa mga nabigyan ng ayuda mula sa pamahalaan kaya hindi naman katanggap-tanggap ang ganitong sistema. Hindi niya rin umano ito magagamit dahil nasa ibang bansa siya.

Maging sa ibang social media platforms ay maraming OFW ang naglabas ng kanilang mga hinaing ukol sa nasabing usapin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Binatikos din ni Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin Jr. ang nasabing hakbang dahil hindi naman umano mapapakinabangan ng mga OFW ang increase na 3.0 percent contribution sa kanilang premium payments.

“It is like an income tax which was abolished for OFWs and even their tax-free income filings were destroyed. They are just totally out of the purview of government exactions for which they will not benefit at all,” pahayag ni Locsin sa isang post sa Twitter.

Matatandaang lumabas ang balitang tatasan na ang kontribusyon ng mga OFW. Aabot na ito sa 3-percent ng sahod ng mga OFW na may monthly income na P10,000 hanggang P60,000.

POPULAR: Read more viral news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here, we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease. Be safe and stay informed! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel