Barangay officials na naghati-hati ng cash aid na para sa isang pamilya posibleng makulong

Barangay officials na naghati-hati ng cash aid na para sa isang pamilya posibleng makulong

- Maaring makulong ang mga Barangay officials na mapapatunayang gumawa ng anomalya sa gitna ng COVID-19 crisis

- Ilan sa mga kumakalat sa social media ay ang paghahati ng cash aids sa ilang pamilya na dapat ay para lamang sa isang pamilya

- Posibleng makulong o masuspinde ang mga naturang opisyal, ayon sa DILG

- Ang ganitong gawain ay isang paglabag sa Republic Act 11469 or “The Bayanihan to Heal as One Act

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maraming video sa social media ang kumakalat ang tungkol sa umano'y anomalya ng ilang opisyal ng baranggay. Dahil sa social media ay nabubuking ang ilang gawain na hindi kaaya-aya ng ilang mga taong nasa puwesto.

Matapos ipag-utos ang pagbibigay ng ayuda para sa mga pamilyang apektado ng enhanced community quarantine, may mga video ng paglalantad ng panlalamang umano ng ilang mga taong naitalagang tumulong sa mga naghihirap na taong-bayan.

Babala ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga barangay officials na naghati-hati ng cash aid na para sa isang pamilya upang mas maraming pamilya ang mabigyan ng ayuda, posibleng silang masampahan ng kaso.

Ipinaliwanag ni DILG Undersecretary at Spokesman na si Jonathan Malaya na ipinagbabawal sa batas ang ginawa ng mga naturang opisyal ng barangay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Kung totoo man po ang mga reports na ‘yan na hinati nga ang ayuda para sa mga pamilya, ‘yan po ay pinagbabawal sa batas at pwede po silang masuspinde at makulong pa kung ginawa talaga nila,” sabi ni DILG Undersecretary at Spokesman na si Jonathan Malaya sa Laging Handa press briefing nitong Sabado, ika-2 ng Mayo.

Ang ganitong gawain ay maituturing umanong paglabag sa Republic Act 11469 or “The Bayanihan to Heal as One Act."

Inudyukan ni Usec. Malaya ang publiko na isumbong ang katiwalian ng mga barangay officials.

“Kung meron po kayong ebidensya na ang inyong kapitan o ang iyong local government official ay ‘yan nga ginawa, ipadala n’yo po kaagad-agad sa DILG,” dagdag pa niya.

Ang SAP o social amelioration program ay ang programang inilunsad upang mabigyan ng ayuda ang mga pamilyang naghihirap sa kasalukuyang ipinapatupad na enhanced community quarantine.

POPULAR: Read more viral news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here, we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease. Be safe and stay informed! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel