Amang mahilig maglaro ng mobile games, nagpasyang tumigil matapos marinig ang saloobin ng anak
- Umani ng mga reaksiyon mula sa netizens ang isang video na ibinahagi ng isang amang mahilig maglaro ng mobile games
- Ibinahagi niya sa social media ang video kung saan naglabas ng sama ng loob ang kanyang anak na nagtatampo
- Ayon sa kanyang anak, tila naubos na ang oras ng kanyang ama sa paglalaro sa mobile games
- Kaya naman napagpasyahan ng ama na itigil na ang paglalaro para sa kanyang anak
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Umani ng mga komento mula sa mga netizens ang video ng isang bata na naglalabas ng kanyang saloobin tungkol sa kawalan ng oras ng kanyang ama dahil sa paglalaro nito ng mobile games.
Sa isang video na ibinahagi ng ng Facebook user na si Jhon Herson Inciong, makikitang umiiyak at nagrereklamo ang isang batang babae tungkol sa paglalaro ng mobile game ng kanyang ama.
Ayon sa kanya, sa halos lahat ng oras ay naglalaro na lamang ang kanyang ama, dahilan kung bakit siya nagtatampo.
Dahil dito, napagpasyahan ng ama na itigil na ang paglalaro. “Sorry… quit ML”, ito naman ang nakasulat sa caption ng video na ngayon ay viral na sa social media.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Eh puro ka mobile legends eh.. pag nasa trabaho mobile legends, pagkagising mobile legends, pagkatapos kumain mobile legends, pag naka-charge mobile legends, pag nasa CR mobile legends… Hindi mabitawan ang cellphone na iyan eh," sabi ng bata habang tuloy ang pag-iyak.
Marami sa mga netizens ang naka-relate at nagbahagi ng kanilang opinyon at komento:
Utas sa anak muh..ML pa more!
Mahigpit ang bantay... Bawal alak bawal ml.. Wawa
Hindi na nga naman daw po mabitawan ang cp na iyan
Oo nga naman, marami kasi ngayon mas inuuna pa ang social media at mga mobile games kaya wala nang masyadong panahonsa mga mas mahahalagang bagay. Galing mo baby, napahinto mo si papa sa paglalaro!
Sa kasalukuyang sitwasyon, iba-iba ang naging paraan ng mga tao para malabanan ang pagkabagot lalo at bawal lumabas ng bahay ng basta-basta. Isa nga sa pinagkakaabalahan ng karamihan ay ang social media at mobile games.
Gayunpaman, mahalaga din na mabigyan ng oras ang ating mahal sa buhay lalo na ang mga bata na nangangailangan ng atensiyon at pag-aaruga.
POPULAR: Read more viral news here
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here, we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease. Be safe and stay informed! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!
Source: KAMI.com.gh