Pulis na nasa quarantine checkpoint, 'di na inabot na buhay ang anak

Pulis na nasa quarantine checkpoint, 'di na inabot na buhay ang anak

- Namatayan ng bunsong anak ang isang pulis na bantay sa quarantine checkpoint sa boundary ng Malabon at Valenzuela

- Agad naman itong pinayagan na makasunod sa ospital nang tumawag ang kanyang misis at sinabi ang di maganda ang kalagayan ng kanilang anak

- Nang makarating sa ospital ang pulis, sinusubukan pa umano ng doktor na i-revive ang sanggol ngunit binawian na talaga ito ng buhay

- Hindi na raw nakakasama masyado ng pulis ang kanyang pamilya bilang pag-iingat lalo na at isa sila sa mga frontliners sa laban ng bansa kontra COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na inabot ng pulis na si S/Sgt. Robbie Vasquez na buhay ang kanyang anim na buwang anak na pumanaw noong Abril 27.

Ayon sa ulat ng Philippine Star, isa sa mga bantay ng quarantine checkpoint ng boundary ng Malabon at Valenzuela si Vasquez nang makatanggap ito ng tawag mula sa kanyang misis.

Pinapapunta na siya nito sa ospital dahil hindi na raw maganda ng lagay ng kanilang anak.

May down syndrome ang anak nilang ito at bukod pa roon ay sadyang sakitin pa raw ito.

Pinayagan namang makasunod sa ospital ang pulis ngunit wala nang buhay ang kanyang anak.

Sinusubukan pa umano itong i-revive ng mga doktor subalit huli na ang lahat.

Emosyonal naman ang naging tagpo sa funeral parlor kung saan nayakap at nahagkan na ni Vasquez na hindi raw niya magawa sa takot na baka siya ay carrier na ng virus nang hindi niya nalalaman at baka mahawa lamang daw niya ang kanyang mga anak.

Nakiramay naman Philippine National Police deputy chief for operations Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar kay Vasquez lalo na at namatayan daw ito ng anak habang nagsisilbi bilang isa sa mga frontliners.

Pulis na nasa quarantine checkpoint, 'di na inabot na buhay ang anak

source: Robbie Vasquez
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bagaman at pinayagan na iburol ang sanggol sa kanilang tahanan sa Caloocan sa loob lamang ng ilang araw, hindi pa rin pahihintulutan ang ibang mga mga kaibigan at kamang-anak na bumisita bilang pag-iingat.

Mariing ipinapaalala ng Department of Health ang social distancing kaya naman kahit na ang liit na pagtitipon tulad ng pagdalaw sa burol at hindi pinahihintulutan.

Ngunit dahil hindi naman daw COVID-19 ang ikinamatay ng sanggol at hypoglycemia o insulin shock dala ng dehydration, pinayagan ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease.

Don't Panic, But Beware of COVID-19 Symptoms! | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel