Matapos isailalim sa lockdown, 85 na residente ng Tondo ang nagpositibo sa Covid-19

Matapos isailalim sa lockdown, 85 na residente ng Tondo ang nagpositibo sa Covid-19

- Sumailalim sa rapid testing para sa coronavirus ang 1,133 na residente ng Tondo 1 ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno

- Ito ay matapos ipatupad ang 48-hour hard lockdown sa nasabing distrito na may naitalang mataas na bilang ng kaso ng COVID-19

- Ayon sa pahayag ng alkalde bandang 1:00 p.m., 85 na ang kumpirmadong nagpositibo sa Covid-19

- 176 naman ang nahuling hard lockdown violators kung saan 80 porsiyento ay mula sa iisang barangay lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ipatupad ang 48-hour hard lockdown sa Tondo 1, inanunsiyo ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso na sumailalim sa rapid testing para sa Covid-19 ang 1,133 na residente.

Sa isang pahayag nitong ala-una ng hapon ng Linggo, kinumpirma ni Domagoso na 85 sa mga residente ang nagpositibo sa Covid-19.

"Maganda rin ito na benepisyo na kapag nagbuti kayo sa komunidad, naging masinop kayo, naging disiplinado kayo ang benepisyo ninyo ay you will live normally. Kapag ikaw ay naging matino at talagang sinusunod niyo 'yung social distancing, and 'yung quarantine and other protocols ,we will open your barangay. Discipline must be put in the right place," ani Mayor Isko.

Ayon sa ulat ng Philippine News Agency, 176 na ang nahuling violators sa hard lockdown at 80 porsiyento umano dito ay mula sa iisang barangay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naghahanda na rin umano ang pamahalaang lungsod ng Maynila para sa mga posibleng mangyari kapag natigil na ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine.

"We, together with JCI, are now building a Covid-19 facility in the community, utilizing public school. We are now building a 40-bed capacity in one of our schools, Araullo High School. The reason behind is if there is a resurgence of the Covid 19, we're trying to prepare also in terms of facility. Doon na kami papunta," aniya.

Sa kabuuan, 573 na ang naitalang kaso ng Covid-19 sa Maynila at 102 sa mga ito ay naitala sa Tondo 1.

POPULAR: Read more viral news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here, we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease. Be safe and stay informed! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel