Wedding photographer, pinakasalan ang kanyang long-time partner habang naka confine sa ospital

Wedding photographer, pinakasalan ang kanyang long-time partner habang naka confine sa ospital

- Ikinasal ang isang wedding photographer sa kanyang long-time partner habang siya ay naka confine sa ospital

- Sa tulong ng kapwa niya wedding photographers at iba pang kapamilya, naging maayos ang kanilang kasal

- Na diagnose sa sakit na liver cirrhosis ang wedding photographer na si James Zapanta

- Umantig sa mga netizens ang kanilang kwento pati na ang mga litratong ibinahagi sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig sa pagpapakasal ng wedding photographer na si James Zapanta sa kanyang long-time partner na si Evelyn Trangia sa Cebu City. Ikinasal sila ngayong May 3, 2020 sa isang private room sa Chong Hua Hospital.

Nagdiagnose sa sakit na liver cirrhosis si James at dalawang linggo nang naka-confine sa pagamutan. Gayunpaman, hindi nila hinayaang mahadlangan ng karamdaman ang kanilang pag-iisang dibdib.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa tulong ng mga kapwa wedding photographers at mga pamilya nilang dalawa, naging maayos ang kanilang pag-iisang dibdib sa gitna ng krisis na dulot ng COVID-19.

Pangarap umano niyang mapakasalan si Evelyn bago man lang siya bawian ng buhay.

Marami naman ang naantig sa kanilang kwento:

In sickness and in health, to love and to cherish
Best wishes to James and Evelyn, get well soon James. True love.
Sana po ay gumaling na kayo para magkasama pa kayo nang mas matagal. Congratulations to the newlyweds!
Ito ang tunay na pag-ibig! Kahit sa anong sitwasyon, pipiliin niyo ang isa't-isa! Sana matagal pa po kayong magsama!

Ang liver cirrhosis ay ang pagkasira ng atay. Ito ay komplikasyon sa atay na mailalarawan bilang pagkawala ng liver cells at hindi na maagapan ang pagkasugat o pag-scarring ng atay.

POPULAR: Read more viral news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here, we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease. Be safe and stay informed! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel