Ilang SAP beneficiaries na 'nakaluluwag' nagparaya para sa mas nangangailangan

Ilang SAP beneficiaries na 'nakaluluwag' nagparaya para sa mas nangangailangan

- Hinangaan ang ilang social amelioration program beneficiaries matapos nilang huwag tanggapin ang cash aid

- Ito ay upang makapagbahagi at makatulong sa ibang mas nangangailangan ng cash donations

- Ibabalik umano ang perang kanilang hindi tinanggap sa pondo ng LGU upang ipamahagi sa iba pang qualified sa SAP

- Sa ilalim ng SAP, bibigyan ng P5,000 hanggang P8,000 ang pamilyang napatunayang kwalipikado sa nasabing programa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umani ng papuri at paghanga ang ilang social amelioration program beneficiaries matapos nilang mapagpasyahang huwag tanggapin ang ayudang nakalaan para sa kanila.

Sa ulat ng ABS-CBN News, isang construction worker sa Barangay Cabay-angan, Panabo City sa Davao del Norte ang nagsabing hindi na niya tatanggapin ang cash aid dahil nakakakain naman daw silang pamilya ng tatlong beses sa isang araw.

Bukod sa sweldo niyang P1,800 kada linggo, napapadalhan din siya umano ng kanyang asawang OFW sa Saudi Arabia.

"Tinanggihan ko dahil may mas nangangailangan pa sa akin. Nakakakain pa naman kami, tatlong beses sa isang araw. Para makatulong din ako," aniya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bukod sa kanya, 4 pang SAP beneficiaris ang hindi tumanggap ng ayuda para makatulong sa mas nangangailangan.

Hinangaan sila sa kanilang pagmamalasakit para sa kapwa.

Ayon naman sa Project Development Officer ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) na si Jay Arias, ibabalik ang perang kanilang tinanggihan sa pondo ng LGU. Maghahanap umano sila ng qualified para maging benepisyaryo ng SAP.

Matatandaang matapos isailalim sa community quarantine ang iba't-ibang lugar sa buong bansa, naging limitado na ang paghahanap-buhay ng mga tao kaya nagbigay ng tulong ang pamahalaan sa pamamagitan ng programang Social Amelioration Program mula sa DSWD.

Ayon sa unang mga anunsiyo, uunahing bibigyan ng tulong ang mga pinakanangangailangan. Dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19, ipinatupad ang lockdown sa maraming bansa sa iba't-ibang panig ng mundo. Ito ay upang maiwasang lalong dumami ang mahawa ng Coronavirus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Being aware of the correct and relevant information is the first step towards solving any problem. Here, we remind you of the major symptoms of the coronavirus disease. Be safe and stay informed! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel